• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko

PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary.

 

Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong sementeryo at suportado dito sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Majority Floor Leader Joel Chua, Second District Councilor Darwin “Awi” Sia at miembro ng Manila City Council.

 

Sa bagong sementeryo, kabilang dito ang pagpapatayo ng Cultural Hall gayundin ang paglalagay ng isang plantilla para sa mga bagong personnel na magtratrabaho sa ilalim ng Muslim Cemetery Division.

 

Ang itatayong Manila Muslim Cemetery na sakop ng 2,400 square meters ay magsisilbing exklusibong lugar para sa interment at paglilipat ng labi ng mga namatay na Muslim na residente ng Maynila.

 

“It is hereby declared the policy of the City Government of Manila to confer recognition to the Muslim community in Manila with their inherent cultural attributes and customary traditions, especially in terms of caring for the remains of their departed, by defining a burial ground in the South Cemetery and a special body intended to manage [it],” nakasaad sa ordinansa.

 

Papatakbuhin ito at may kontol ang Manila Health Department (MHD).

 

Paliwanag ni Domagoso na pinirmahan ang nasabing ordinasa para kilalalanin ang kultura at kaugalian ng Manila’s Muslim community.

 

“Ito ay isang tanda ng ating paggalang sa kasaysayan ng ating minamahal na lungsod na noon ay pinamumunuan tayo ng ating mga kapatid na Muslim, mga Rajah, mga Sultan,” ayon kay Domagoso.

 

“Sa ganitong paraan lamang, muling naipaalala kung paano nagsimula ang Lungsod ng Maynila bago pa dumating ang mga kastila,” dagdag pa nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Diesel, posibleng tumaas ng higit P1 sa susunod na linggo

    NAGTAPOS ang apat na linggong sunud-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa asahan naman ang oil price hike sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.     Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, mayroon silang nakikitang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.     […]

  • Pretty in Pink Power: “Mean Girls” Hits the Big Screen Again!

    Catch the latest “Mean Girls” movie, a fresh take on the beloved classic. Starring Angourie Rice, Reneé Rapp, and more, this high school drama is set to captivate audiences from February 7 in Philippine cinemas. The iconic high school world of “Mean Girls” is back with a fabulous twist! In this latest adaptation, the film, […]

  • Delta variant, 8 tao kayang hawaan sa loob ng 1-2 minuto

    Higit na nakakatakot ang Delta variant kumpara sa iba pang variants dahil kaya nitong manghawa ng hanggang walo katao na nasa kaniyang paligid, at ang walo naman na nahawaan ay kaya ring makahawa ng walo pa bawat isa.     Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, ng Inter-Agency Task Force Technical Advisory Group, higit 60 por­syentong […]