MANILA ZOO, MAGBUBUKAS BAGO MAG-PASKO
- Published on September 19, 2022
- by @peoplesbalita
BAGO sumapit ang Kapaskuhan, muling bubuksan sa publiko ang Manila Zoo, ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Ang Manila Zoo ay pansamantalang isinara mula noong Hunyo 2022 at ang reopening nito ay kasunod ng pagnanais ng ating mga kababayan na makapamasyal sa panahon ng Christmas season kasama ang kanilang mahal sa Buhay
Tiniyak naman ito ni Manila Mayor Honey Lacuna at sinabi na hintayin na lamang ang pormal na anunsyo ng petsa kung kailan ito muling bubuksan.
Sa ngayon ay puspusan pa rin ang repair o pagsasaayos at pagpapaganda ng Manila Zoo.
Aminado naman ang mga taga-pangalaga ng Manila Zoo na halos araw-araw ay may dumarating na mga bisita para mag baka-sakaling makapasok dito.
Ang ibang bisita, galing pa sa mga probinsya o kaya’y mga dayuhan at hindi alam na hindi pa pala bukas ang Manila Zoo, kaya sila ay nadidismaya. GENE ADSUARA
-
Tambalang Isko Moreno-Willie Ong naghain ng 2022 candidacy sa Comelec
Pormal nang nag-file ng kanilang certificates of candidacy (COC) si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at running mate na si Dr. Willie Ong para sa pambansang halalang sa Mayo 2022. Lunes nang ihain nina Domagoso at Ong ang kanilang COC sa pagkapangulo at pagkabise presidente sa ikaapat na araw ng filing ng […]
-
11-K Pulis ipakakalat sa NCR para magbigay seguridad sa paggunita ng Semana Santa
SINIMULAN na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mag deploy ng nasa 11,000 police personnel sa iba’t ibang panig ng Metro Manila. Layon nito para masiguro ang seguridad para sa tahimik, maayos at mapayapang paggunita ng mga Katoliko sa Semana Santa. Ayon kay NCRPO Spokesperson, P/LtCol. Jenny […]
-
Pagrepaso sa K-12 program aarangkada ngayong Enero
SISIMULAN na ngayong Enero ang pagrepaso sa K to 12 program at sa buong basic education system sa bansa ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Education, may 10 taon ang binigay ng kongreso sa EDCOM II para pag-aralan ang buong educational […]