Manny puno ng pasasalamat
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
Sa kabila ng kabiguan kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas, walang ibang bukambibig si Manny Pacquiao kundi pasasalamat.
Sa kanyang bagong post sa social media, nagpasalamat ito sa Panginoon sa paggabay nito sa kanyang laban noong Linggo sa Las Vegas, Nevada.
“I want to thank God for giving me the strength to fight,” ani Pacquiao.
Sa katunayan, madaling-araw na nakapagpahinga si Pacquiao matapos ang laban kung saan alas-4 ng umaga na ito nakatulog.
Subalit gumising ng alas-9 ng umaga si Pacquiao kasama ang kanyang pamilya para dumalo sa isang misa.
Patuloy din ang pasasalamat ni Pacquiao sa kanyang pamilya na kasama nito sa hirap man o ginhawa.
Muling nagpaabot ng congratulatory message si Pacquiao kay Ugas sa tagumpay nito.
Sa huli, pinasalamatan din ni Pacquiao ang milyun-milyong boxing fans sa buong mundo na sumuporta at nanood ng kanyang laban.
Ipinagmalaki ni Pacquiao na malaking karangalan para sa kanya na muling iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa buong mundo upang ipamalas ang husay ng isang Pinoy.
“Thank you to the fans all around the world who were watching. Thank you to every Filipino that has ever supported me. I’m so proud to represent my country. I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best. From the bottom of my heart, THANK YOU! God bless you all,” pagtatapos ni Pacquiao.
-
First time na magkasama sa isang project: DONNY, naging dahilan para pumayag bumalik sa pelikula si MARICEL
MAGKASAMA sa unang pagkakataon sa isang proyekto ang mag-ina na sina Maricel Laxa at Donny Pangilinan. Sa pelikulang ‘GG’ (Good Game) ng Mediaworks Inc., Cignal Entertainment at Create Cinema. Piling-pili lang ang mga proyektong tinatanggap at ginagawa ni Maricel. At nang matanong nga ito sa naging mediacon ng GG, ang mga anak ang itinurong dahilan kung […]
-
Utang ng Pilipinas nanatili sa P13.64 trilyon
HALOS hindi gumalaw ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas nitong Nobyembre 2022 sa P13.64 trilyon kasabay ng pagtaas ng halaga ng piso. Ito ang ibinahagi ng Bureau of Treasury, Martes, ilang buwan matapos ipayo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos na iwasan ang “hindi kinakailangang gastusin” at magpatupad ng […]
-
Philippine Sports Commission at National Collegiate Athletic Association , nakipagpulong sa opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol sa isyu ni John Amores
Nakipagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga kinatawan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), para talakayin ang mga isyung bumabalot sa Jose Rizal University player na si John Amores. Sa isang pahayag, inilarawan ito ng Phil. Sports Commission bilang isang “coordination meeting” habang patuloy na tinitingnan ng fact-finding […]