Manuel, Alaska Milk nagpapataasan ng ihi
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
PAREHONG nagmamatigasan sa isa’t isa si Victorino ‘Vic Manuel at ang Alaska Milk kaya wala pa ring nangyayari sa inisyal na usapan para sa contract extension ng Aces baller patungo sa pagbubukas 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9.
Maaaring ikunsidera ng 33 taong-gulang, 6-4 ang taas na forward at nasa kuwadra ni veteran players agent Danny Espiritu, na mag-sit out na lang muna o hintayin ang implementasyon sa taong ito ng ‘tunay’ na unrestricted free agent ng propesyonal na liga.
Hindi kumakagat ang 11 iba pang mga koponan sa hiling ng incoming nine-year pro veteran na i-trade siya ng gatas.
Ito’y dahil sa mabigat din ang hinihirit ng Uytengsu franchise, isa na rito ang North Luzon Expressway na tumalikod dahil sa ang hinihinging kapalit ay Kiefer Isaac Ravena. (REC)
-
Kaya thankful sa kanyang management: RONNIE, tuloy lang ang projects kahit busy sa pag-aaral
THANKFUL ang singer-actor na si Ronnie Liang sa Viva Artists Agency (VAA) dahil kahit na naging abala siya sa kanyang pag-aaral at sa Philippine Army, tuloy lang daw ang pagbigay sa kanya ng projects. “I’m very grateful to Boss Vic (del Rosario), Ma’m Veronique (del Rosario), and Boss Vincent (del Rosario) for all […]
-
Bagay sa kanya at pwedeng gumawa ng comedy version: HERLENE, natupad na ang pangarap na makapag-suot ng costume ni ‘Darna’
PASABOG ang birthday post ni Herlene Nicole Budol na kung saan proud na proud siya na nakapag-suot ng costume at natupad na ang dream niya na maging ‘Darna’. Caption ng First Runner-up sa Binibining Pilipinas 2022 na nag-celebrate ng 23rd birthday last August 23, “Ding ang korona! Suot ko ang costume ni Darna hango […]
-
MAHIGIT 100 POLICE TRAINEE, IDIDEPLOY NG MPD
MAHIGIT na 100 na police trainee ang idineploy ngayon sa Manila Police District (MPD) bilang bahagi ng kanilang aktwal na pagsasanay. Ayon sa MPD, umaabot sa 108 na police trainee mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipapakalat ng MPD sa lahat ng 14 na police station nila sa lungsod. […]