MAY bagong kanta ang Sparkle artist na si Anthony Rosaldo ang “Batubalani” sa ilalim ng GMA Playlist.
Kuwento niya sa inspiraayon sa naturang kanta, “‘Batubalani’ is a song that I wrote, 2022 pa, so matagal na siyang nakabangko.
“And my inspiration actually is from the title itself, “Batubalani”, so parang if I’m not mistaken, na-encounter ko yung word somewhere in an article yata or a video, tapos I got curious kung anong meaning nung Batubalani.
“So yung meaning po ng Batubalani is magnet, magnet siya, so “Batubalani” is a love song, so if you guys listen to the lyrics, tungkol siya sa pag-ibig ng isang taong hindi kayang mahiwalay sa kanyang mahal.
“So lagi siyang naghahanap ng chance na mapalapit sa kanya and hindi sila magpahihiwalay. So it revolves around that and I, as a big fan of mga K-drama, ganun sila, di ba?
“Pag napapanood yung bida, parang grabe naman sila, hindi sila mapaghiwalay, yung love nila against all odds, sila lang forever.
“So parang ganoon, dun po tumakbo siya.”
Kanino sa showbiz siya naba-batubalani?
“Naba-batubalani ako ‘pag nakikita ko si Miss Heart,” pagtukoy niya sa Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.
“Sino pa ba? Si Miss Marian,” pagbanggit naman niya sa GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.
“Yung mga beauty nila nakaka-batubalani po, so sila po yung mga nakaka-magnetize sa akin.”
Ang huling single na kinanta at sinulat ni Anthony ay ang “Tama Na” noong 2022; bakit matagal nasundan ang last single niya?
“Ano po kasi, yung 2022 po kasi was my transition to theater, so nag-start po ako mag-rehearse ng “Ang Huling El Bimbo: The Musical”, 2022 na po.
“So parang as you all know, pag nasa theater ka, you focus solely on that and parang iyon po, nawala na po yung attention ko sa paglabas ng kanta.”
Isa ring stage actor si Anthony at malapit na siyang mapanood sa musical play na, “So, ang “Liwanag Sa Dilim” po, sa totoo lang, hindi pa po ako informed kung ano po yung mga details na puwede kong ilabas.
“I will only base yung sasabihin ko po sa mga nabasa ko na. So yung “Liwanag Sa Dilim” po revolves around the story of my character.
“Hindi ko alam kung puwede kong sabihin yung pangalan, but I’m an orphan po, yung character ko and then, tatakbo po siya sa story and sa journey po ng character ko.
“Pero ang masasabi ko lang po, dahil nga po ito ay isang Rico Blanco musical… dun pala po sa mga songs na kakantahin namin, we have 23 of Rico Blanco’s songs from when he was in Rivermaya.
“So iyon po yung gagamitin namin na mga kanta sa musical, so dun pa lang ang feeling ko kapit na kapit na agad po yung mga manonood namin.”
Tinanong naman si Anthony kung ano ang fulfillment na nakukuha niya sa theater acting na hindi nakukuha sa singing.
“So, yung fulfillment ko naman po sa theater, iba kasi e,” pakli niya, “I mean, when you’re in theater, it requires a lot of hard work.
“Hard work, patience, and also being genuine to your co-characters, and to also being accepting sa lahat ng puwede kong i-feed sa iyo.
“So there’s magic in theater po, na I find very, very fulfilling and I’m very satisfied.”
Pag-amin pa ni Anthony dumaan siya sa anxiety dati.
“I also struggled with anxiety when I first did theater, so parang pag napagdaanan mo na siya lahat… tapos nagpe-perform ka na and you’ve done a two-and-a-half-hour show ng dire-diretso, walang cut, ang sarap sa pakiramdam, lalung-lalo na po sa curtain call.
“So ayun po, those are the feelings na hindi ko makukuha with just singing po.”
(ROMMEL L. GONZALES)