• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marami pang ni-reveal sa ‘Korina Interviews’: TESSA, inamin kay KORINA na naka-move on and in full swing na

“ITO na yata ang wackiest interview ko to date,” sabi ng multi-awarded broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas tungkol sa kanyang latest guest sa kanyang NET 25 show na Korina Interviews.

 

 

Pinag-usapan ni Korina kasama ang celebrated socialite, host, at philanthropist na si Tessa Prieto ang untimely death ng kanyang kapatid na lalake at kung paano ito nag-udyok sa kanya na ipagdiwang ang buhay araw-araw.

 

 

Ni-raid din ni Korina ang dressing room ni Tessa na puno ng mga nakakasilaw na outlandish gowns, headdresses, hats, fashion accessories, at mga sapatos.

 

 

“Ilan ang gown mo? Hindi ba mabigat yan sa ulo? Bakit ganyan ka parati manamit? What’s the worst part of suddenly being a single Mom? Are you in love again?”

 

 

Lahat ito ay isa-isang sinagot ni Tessa at may mga inamin pa siya kay Korina.

 

 

Inamin ni Tessa na nagga-garage sale daw siya for charity, pero ang kaso, “when I down, ako rin ang bumibili ng sarili kong gamit. Kasi it’s so sentimental value

 

“You know, how Marie Kondo says, is this sparks joy? Oo, kasi lahat ng gamit dito, sparks joy.”

 

 

Lalo na pagdating sa gowns, at kahit marami na, palagi pa siyang nagpapagawa. Kuwento ni Tessa, “over the pandemic, marami akong nabili, kasi they need a money and stuffed like that. Kaya I have gowns, wala pang party or occassions. Kaya pipili na lang ako, at ginagawan ko ng iba’t-ibang combinations.”

 

 

Tungkol naman sa pagiging single mom, inamin ni Tessa na, “the transition na I had to question, kung ano ba ang dahilan ng buhay ko. Akala ko okay na, I’m gonna be on my 60s, akala ko pang-retire level and everything is establish na.

 

 

“Ang realization ko, life can begin now and you can choose kung anong direksyon or path to take. And I’m so excited to take this path. And as a single mom, I’m so excited kasi I’m getting close na with my kids and my mga apo. You know, ibang level ng love ang grandchildren. And I am full time mom now.”

 

 

Marami na ngang pinagdaanan si Tessa sa buhay at journey niya at inamin na ang pinakamasakit ay, “you’re questioning your own core. I taught, I was good, as mother and as wife, hindi pala.

 

 

“But I live with no regrets, I love that I went through this in the sense that it made me grow better as person. A more loving and kinder, more reponsible.

 

 

“And I realize, I have the capacity to change. I thought I wouldn’t. But I wasn’t enough and wasn’t supposed to be.”

 

 

Ngayong okay na siya and in full swing na uli, “I already restarted my works for charity. Kasi sabi ko, over the pandemic, we raise over millions of donations, tama, I’m fine na.

 

 

“But now I’m a single mom, I don’t have to do it. But no, I have to continue my life and my legacy of helping and doing as much as I can, to change the world.”

 

 

At ang nakakaaliw sa bandang dulo ng Korina Interviews at nag-switch sila dresses na kung saan in-enjoy talaga ni Ate Koring ang pabolosong pink gown ni Tessa with complete burloloys, sa latest episode ng pinag-uusapang show tuwing Linggo, 5:00 p.m. na napapanood sa Net 25.

 

 

Puwede ring balikan ang past ang latest episodes ng Korina Interviews sa kanyag YouTube channel na Rated Korina.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • The cards have spoken. Meet the characters of the new horror film “Tarot”

    A group of friends decides to delve into the world of the occult and read their destiny through tarot cards, only to unleash an evil trapped within. Meet the characters trying to race against death and their foretold future in the new horror film Tarot: Haley (Harriet Slater) is a spiritualist that is navigating a […]

  • PUBLIC TRANSPORT DAGDAGAN! HEALTH PROTOCOLS ISTRIKTONG IPATUPAD! CONSOLIDATION ng MGA PRANKISA HUWAG IPATUPAD!

    Sa inirekomendang modified GCQ sa buong bansa simula ngayong darating na Marso, asahan na ang mas maraming pasahero.  Kaya naman rekomendasyon din na dagdagan ang mga units para sa public transportation.  Iba ang dagdag ng masasakyan sa dagdag sa pwedeng sumakay – ang ibig sabihin ng una ay mas marami ang masasakyan. Ang pangalawa- mas marami ang […]

  • SC binasura ang petition renaming MIA to NAIA

    Binasura ng Supreme Court (SC) ang petition ng lawyer na si Larry Gadon upang ipawalang bisa ang 33-year-old na batas sa pagbabago ng Manila International Airport (MIA) upang maging Ninoy Aquino International Airport (NAIA).   Sa isang full session noong Martes, ang mga justices ng SC ay sumangayon lahat na hindi pagbigyan ang petition dahil […]