Maraming kausap at pinag-aaralan ang mga offers: Pagbabalik sa GMA ni BOY, balitang sure na sure na
- Published on August 31, 2022
- by @peoplesbalita
BALITANG sure nang magbabalik-GMA si King of Talk na si Boy Abunda.
Hindi pa nga lamang sinasagot ni Kuya Boy kung sa anong channel siya. Ayon sa kanya, pupunta muna siya sa USA for some previous commitments there at pagbalik niya, sure nang balik-TV na ulit siya.
Inamin ni Kuya Boy na gusto na niyang bumalik ulit sa television, after almost three years of the pandemic. Marami raw siyang kausap at pinag-aaralan pa niya ang mga offers.
Pero definetely, pagbalik niya from the US, mapapanood na natin siya, live on TV.
***
CONGRATULATIONS to the Kapuso love team na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, sila ang first celebrity contestants ng “The Wall Philippines” na nag-take home ng P 1.9 M last Sunday afternoon.
On Instagram, the game show host, Billy Crawford, announced that Ysabel and Miguel won over almost P2 million from its initial episode. In a separate post, Ysabel posted a photo of her with Miguel holding a paper with the cmount that they would be taking home individually, which is P 997.521.
Para kay Miguel, angel daw niya ang ka-love team sa new drama series nila na “What We Could Be” na nagsimula na ring mapanood last Monday, August 29, sa GMA Telebabad.
“Kasi po, team kami, ako ang nagbababa ng mga balls, pero si Ysabel ay nasa backstage at siya ang sumasagot ng mga qustions ni Kuya Billy,” kuwento ni Miguel. “Maling sagot niya ay bawas sa mga scores namin. Salamat, Ysabel, salamat.”
Ang “Wall Philippines” is based on America’s “The Wall,” na the contestants answer trivia questions to won cash. Napapanood ito every Sunday, 3:35PM, sa GMA.-7.
Meanwhile, kuwento ni Ysabel na nagpasahan daw ang mom niya, Michelle Ortega at stepdad niya, PDEA Deputy Director General, Greg Pimentel, nang mapanood ang pilot episode ng “What We Could Be” kaya nagpasalamat si Ysabel sa kanilang pagiging supportive sa launch niya, ng unang pinagbibidahan niya, bilang isang nurse sa story.
Kasama rin nila sa cast si Yasser Marta at si Ms. Celeste Legaspi.
***
VERY proud ang GMA Network, ngayong ilang days na lamang ay big world premiere na nila ng “Running Man Philippines,” this coming Saturday night, September 3, 7:15PM.
In fact, full trailer pa lamang nito ay nalampasan na ang over one million views on Facebook and even generated over 1,000 comments – na ibig sabihin na Pinoy Runners and Kapuso viewers are eager to see its world-class first episode.
During their media conference last Saturday, August 27, si Mikael Daez, aka ‘The Captain’, ay nagkwento ng mga unforgettable experiences nila shooting in South Korea..
“Na-excite ako nang we rode a special bus, at nalaman kong ito pala ang ginamit sa first few seasons of the original ‘Running Man.’ Kung ano iyong ginamit nila ng first few seasons, yun din mga missions, doon sa bus, sobrang memorable sa amin iyon, na tiyak na babalik-balikan namin.”
Ang bumubuo ng “Running Man Philippines” ay sina Mikael, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Angel Guardian, at Lexi Gonzales, sa direksyon ni Rico Gutierrez at napapanood every Saturdays and Sundays, sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
-
‘Maging Sino Ka Man’ nila ni Barbie, papalit sa ‘Voltes V: Legacy’: DAVID, may gagawing teleserye at movie sa China
NAGING matagumpay ang ribbon-cutting at blessing ng bagong branch ng Blue Water Day Spa noong Agosto 11, 2023 na pinangunahan ni Pambansang Ginoo David Licauco. Ang pinakabagong sangay nito ay matatagpuan sa 2nd Floor South Wing ng Estancia Mall, Capitol Commons, Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City. Bukod sa Kapuso actor na talaga namang pinagkaguluhan at […]
-
Tatay ni Dr. Yumol na suspek sa Ateneo shooting incident patay
PATULOY ang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Lamitan City sa Basilan na ikinasawi ng tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol na si Rolando Yumol sa harap ng dating clinic ng duktor na matagal nang ipinasara. Apela ni PNP PIO Chief Police Brig. Gen Augustus Alba sa publiko, tigilan […]
-
WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa. Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37. Sinabi […]