• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming naganap sa buhay bago ang pagtakbo: MARTIN, natupad ang wish na makasali sa ‘Tokyo Marathon 2025’

NATUPAD ang wish ng segment host ng ’24 Oras’ na si Martin Javier na makasali sa
Tokyo Marathon 2025.
Ito ang first ever marathon ni Martin kaya naghanda raw talaga siya, physically, emotionally and mentally. Marami raw kasing naganap sa buhay niya bago siya tumakbo sa marathon.
“Went through a lot just to get here. 3 months ago, I was depressed, injured, and a month removed from running. I had to catch up with the training program with roughly 9 weeks out and absolutely 0 conditioning.
“That’s a short time to prepare.. especially if you wanna fully send it. Still went along with it.. going from 0 mileage to 70km weeks. Didn’t have a clue where I was, conditioning-wise going into Tokyo, but I knew I needed to deliver. Almost didn’t make it as well coz of the whole visa application change up.
“Grateful for a strong finish, despite the heavy self-talk at km 35 and cramps at 38km. Had to dig deep to survive that stretch,” post ni Martin sa Instagram habang kagat nito ang kanyang natanggap na marathon medal.
Nakasabay din ng Sparkle host sa naturang marathon ay sina Tim Yap, Isabelle Daza, at ang former One Direction member na si Harry Styles.
***
NAPAAMIN si Buboy Villar na si Faith da Silva ang kanyang naging TOTGA o The One That Got Away.
Sa YouLOL podcast na Your Honor, sinabi ni Faith na napa-“what if” daw siya kung nagkaroon sila ng relasyon ni Buboy at hindi lang sila basta friends lang.
“Kahit ganito ako mahiyain din ako. Talagang sinasabi ko, what if kung nag-jump ako noon,” sey ng Sparkle actress.
Sey naman ni Buboy: “Basta nire-respeto ko kung anong meron tayo. Siyempre nire-respeto kita, Faith.”
Nagbalik-tanaw pa si Faith sa matagal na nilang friendship ni Buboy: “Hindi ko talaga alam kung natatandaan niya. Bata pa lang kami magkaibigan na kami. Siguro seven or eight years old. Tapos meron mga artista na parang pinagti-tripan-tripan kami ganyan. Tapos parang, sinabi nila sa akin na i-kiss ko daw si Buboy (sa cheeks) e, eight years old pa lang kami. Tapos, kiniss ko siya ‘tapos kilig na kilig talaga ako.”
***
NAGLULUKSA ang American Country Music Queen Dolly Parton dahil sa pagpanaw ng kanyang husband na si Carl Dean noong nakaraang March 3.
“Carl and I spent many wonderful years together. Words can’t do justice to the love we shared for over 60 years. Thank you for your prayers and sympathy,” mensahe ni Dolly sa kanyang followers sa social media.
Nakilala ni Dolly si Carl when she was 18 at bagong lipat lang niya noon sa Nashville, Tennessee. Two years later ay kinasal sila in 1966.
Si Carl ay isang businessman na may-ari ng isang asphalt-paving business in Nashville. Hindi sila nagkaroon ng anak ni Dolly at nanatiling pribado ang marriage nila for six decades.
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Obiena handang sagutin ang kaso sa kanya ng PATAFA

    Nalungkot pero hindi na nasorpresa si Filipino Olympic pole-vaulter EJ Obiena sa desisyon ng Philippine Atheltics Track and Field Association (PATAFA) na tanggalin siya sa national team at sampahan ito ng kaso.     Sinabi nito na tila guminhawa na ang kaniyang pakiramdam dahil sa alam niyang kakasuhan siya at handa nitong harapin ang anumang […]

  • Para pabulaanan ang paratang na ‘land grabber’: Legal counsel ni BEA, naglabas ng statement at handang magsampa ng kaso

    UMANI ng papuri si Bea Alonzo sa pagpapakain niya sa mga Aeta na kapitbahay niya sa Zambales nguni’t nakatanggap pa rin ito ng negatibong komento mula sa Twitter user na si @ALOveyoutoo, na tila inakusahan pa si Bea na nagnakaw ng lupain ng mga katutubong Aeta.     Sa kanyang Twitter, ni-reshare niya ang isang post […]

  • ‘Balik Probinsya’ ipinakilala ang bagong website, application process

    INANUNSYO ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa (BP2) program na opisyal na papalitan na nito ang kanyang website sa  www.balikprobinsya.nha.gov.ph simula Abril 22, kung saan ay hindi na magiging available ang kasalukuyang  www.balikprobinsya.ph     Sa ilalim ng bagong sistema, mapabibilis ng gobyerno ang aplikasyon para sa BP2 program sa tatlong paraan: “through the applicants’ respective […]