• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming pinagdaanan sa isang dekadang pagsasama: ZOREN, sobrang sweet at nakakikilig na mensahe para kay CARMINA

PROUD Pinoy ang SB19 dahil dito sa Pilipinas nila idaraos ang pagtatapos ng world tour nila ng kanilang ‘WYAT (Where You At)’ concert tour.

 

Bago matapos ang taon, isang homecoming concert ang inihanda ng phenomenal Pinoy band na SB19 para sa kanilang Pinoy fans bilang selebrasyon sa pagtatapos ng kanilang WYAT (Where You At) tour.

 

 

Matapos nilang puntahan ang Dubai, New York at Los Angeles magpe-perfrom naman ag phenomanela boy group sa San Francisco (November 18) at Singapore (November 27).

 

 

At ang finale nga ng kanilang world tour ay gaganapin sa Pilipinas sa December 18. Wala pang ibang detalyeng inilalabas tungkol sa Manila leg ng show ng grupo.

 

 

“MANILA we’re back to celebrate the finale of the WYAT Tour 2022 and another year with A’TIN,” ang pag-a-anunsiyo ng SB19 sa kanilang official Twitter account.

 

 

Ang single nilang “Where You At (o WYAT)” ay mayroon na ngayong mahigit 2.9 million views sa Youtube kahit na nito lamang September nila ito inilabas!

 

 

***

 

 

SAMPUNG taon ng kasal sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

 

 

At sa pamamagitan ng isang napaka-sweet at nakakakilig na mensahe sa kanyang Instagram account ay binati ni Zoren ang kanyang misis.

 

 

Kalakip ng litrato na kuha sa kasal nila noong November 15, 2012 ang mensaheng ito ni Zoren…

 

 

“Happy 10th Year Anniversary to us today my Muffin @mina_villarroel ❤️❤️❤️ it doesn’t matter how many rough waves we will encounter.. just hang on tight… YOU ARE FOREVER SAFE IN MY ARMS…with Gods Mercy of course ❤️❤️❤️❤️❤️ #happyanniversary #anniversary #couplegoals #forever
arf arf ❤️❤️❤️

 

 

Sinagot naman ni Carmina angtouching message ng kanyang mister…

 

 

“Thank you Tatay @zoren_legaspi Thank you for your love. ❤️ Arf Arf!”

 

 

Matatandaang pinag-usapan ang kasal nina Zoren at Carmina dahil sorpresa iyon para kay Carmina na akalang may shooting lamang sila for a commercial, wala siyang kamalay-malay na ikakasal na pala sila ni Zoren!

 

 

Bago ang nasabing kasal, January 2001 ipinanganak ang kambal nilang sina Mavy at Cassy Legaspi.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • 4 na lungsod sa NCR nabakunahan na ang kalahati ng populasyon

    May apat na lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nakalahati na ng kanilang populasyon ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine.     Nangunguna rito ang San Juan City kung saan mayroong halos 70,000 sa populasyon nito o 81.5% sa lungsod ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.     Sumunod ang […]

  • Mga gobernador ng Laguna, Cavite, iba pang lalawigan tiniyak ang landslide win ni BBM

    ILANG araw bago ang halalan, lalo pang tumibay ang tsansa ni presidential frontrunner at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na manalo matapos tiyakin ng mga gobernador ng mga pinaka vote- rich na lalawigan sa bansa ang kanyang tagumpay.     Sa isang pulong sa BBM Headquarters sa Mandaluyong ay siniguro nina Gob. Jonvic Remulla ng […]

  • Fare hike sa jeep, TNVS at buses, binubusisi na ng LTFRB

    PINAG-AARALAN pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon sa hiling na dagdag-pasahe para sa jeepneys, transport network vehicle services (TNVS) at mga bus.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB executive director Tina Cassion na mara­ming bagay silang ikinukunsidera bago maglabas ng desisyon hinggil sa mga naturang […]