Maraming Pinoy kulang ang tiwala sa vaccination program ng bansa- SWS
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.
Ito ang lumabas na restulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).
Base sa survey na mayroong 51 percent ng mga Filipino adults ang nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangang ng 18 percent ang tinawag na very confident habang 34 naman ang medyo kampante.
Ang natitirang 31 percent ay hindi tiyak habang 17 percent ang hindi kumpiyansa sa nasabing programa.
Isinagawa ang survey mula Abril 28 hanggang Mayo 2 kung saan tinanong ang mga ito kung magpapaturok ba sila ng COVID-19 vaccine sa mga bakuna na aprubado ng Food and Drugs Administration.