Marawi infra projects, 80% kompleto na-TFBM
- Published on September 21, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na 80-percent complete na ang government-led rehabilitation efforts sa Marawi City.
Ito’y sa kabila ng hamon sa krisis sa kalusugan at masamang panahon.
Tiniyak ni TFBM chairperson and housing czar Secretary Eduardo Del Rosario na matatapos ang lahat ng infrastructure projects ayon sa “timeline of completion.”
“For all the public infrastructures na ginagawa natin , we are now 75 percent to 80 percent complete and all the rest will be completed by next year,” ayon kay Del Rosario.
Siniguro rin nito na ang master development plan sa Marawi ay matatapos sa loob ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“All projects will be completed by June 30 of 2022 within the term of the President as promised,” pagtiyak ni del Rosario.
“The newly inaugurated two mosques and four village complexes in Marawi City are “solid testament(s) that the TFBM’s efforts are moving forward,” dagdag na pahayag nito.
Pryoridad aniya ng TFBM na muling itayo ang mga mosque, na makatutulong sa mga siege-affected residents na makabangon mula sa “distressing effect of the war”.
Sa kabilang dako, inanunsyo naman ni Del Rosario na may 2,800 permanent housing units ang itinatayo ng 56 implementing agencies at TFBM’s partner organizations ang matatapos bago matapos ang taon.
Mahigit 600 permanent shelters naman ang kompleto na kung saan 300 naman ang inookupahan na ng mga residenteng inilikas dahil sa 2017 siege sa pagitan ng puwersang pamahalaan at mga teroristang may kaugnayan sa ISIS.
Kabilang naman sa mga “completed infrastructure projects”sa labas ng most affected areas (MAA) ng Marawi ay ang 19-kilometer Transcentral Roads; Lilod Guimba, Banggolo, at Mapandi bridges; Central Fire Station Phase 1; fully-equipped Rorogagus Health Station; at pagsasa-ayos ng road networks sa Pantar-Marawi at Maul, Maranto.
Napanatili naman ng pamahalaan ang livelihood programs para sa mga residente at patuloy na nagbibigay ng kahalintulad na tulong.
Natapos na rin ng TFBM ang ilang proyekto sa MAA gaya ng Disomangcop Mosque, Masjid Darussalam, at ang Tolali Barangay Complex na may health station at madrasah (Islamic school).
Samantala, sinabi naman ni Del Rosario na ang nagpapatuloy na pagtatayo ng permanent shelters sa iba’t ibang resettlement sites, at maging ang pagtatatag ng road networks sa loob ng MAA na mayroong underground utilities, solar lamps, at traffic lights, ay kasalukuyan ng nasa “final stages of completion.”
Ang pagtatayo ng three-story 20-classroom school buildings, mall-like Grand Padian Market, School of Living Tradition, Peace Memorial Park, Marawi Museum, Marawi Convention Center, ay Sarimanok Stadium ay malapit na ring matapos.
Ang TFBM ay nilikha sa ilalim ng Administrative Order 3 na ipinalabas ni Pangulong Duterte noong Hunyo 28, 2017, kasunod ng deklarasyon ng pamahalaan ng pagkapanalo nito laban sa terrorist groups.
Minadali ng task force ang ‘rehabilitation, recovery at reconstruction efforts” at tinulungan ang mga displaced families na makabangon. (Daris Jose)
-
Fahrenheit Cafe and Fitness Center sa E. Rodriguez, QC ipinasara ng QC LGU
IPINASARA ng QC Local Government ang Fahrenheit Cafe and Fitness Center (F Club) sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City. Ito ay nang tumanggi ang nasabing establisimyento na makipagtulungan na papasukin ang contact tracing team ng City Epidemiology and Surveillance (SECU) Division para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa sakit na […]
-
Outreach program ng SPEEd, umabot na sa Nueva Ecija at Aurora
MARAMI na namang napasaya at nabigyan ng tulong ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) matapos ang isinagawa na taunang outreach program. Nagtungo ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora nitong nagdaang Huwebes at Biyernes, Abril 4 at 5, para maghatid ng tulong sa ilang residente roon. Dumalaw […]
-
Matt Reeves’ ‘The Batman’ Has Finished Scoring, Reveals Composer Michael Giacchino
AWARD-WINNING American musician and composer Michael Giacchino revealed via Twitter that the upcoming DC film The Batman finished scoring on October 22nd. Giacchino spoke enthusiastically about the process, saying the orchestra “killed it.” The film, directed by Matt Reeves and starring Robert Pattinson as Batman, is slated to be released on March 4th, 2022. Giacchino previously shared a sneak peek at […]