• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marc Paolo Javillonar pinapanagot sa pagpisil ng puwet ni Will Allen Gozum

Nag-viral ang video na pinisil ni Marc Paolo Javillonar ng Colegio De San Juan De Letran Knights ang puwit ni presumptive Most Valuable Player Will Allen Gozum ng College of Saint Benilde Blazers sa kanilang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball tournament best-of-3 Finals Game 1 Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

 

Sa ulat ng FastBreak.PH Lunes, may 4:47 na lang sa third period, nang mahuli sa kamera si Javilionar, na piniga ang ang puwit ni Gozum na dehins nitong nagustuhan.

 

 

“Kahit sino namang player madidismaya sa ganun. But okay lang, tanggap ko naman na kung ganon siya. Well, so be it, ganon ang character niya. Ganon yata siya pinalaki,” bulalas ni Gozum.

 

 

Mas mabigat naghimutok ang CSB player sa social media kung saan natalo ang Blazers sa Knights, 81-75, at lumapit sa three-peat.

 

 

Isinisigaw naman ng mga netizen at basketball fan sa socmed sa liga papanagutin Javillonar sa ‘di dapat ginagawi ng tulad niyang atleta. (CARD)

Other News
  • Ads August 22, 2023

  • PBBM, nagpasaklolo na sa private banks sa pagtugon sa housing backlog

    NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  private banks at hiniling na makipagtulungan sa government financial institutions sa paggawa ng sistema na magpopondo para sa housing program ng kanyang administrasyon.     Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS), tinuran ni Pangulong Marcos ang “indispensable support” ng private banking sector  sa idinaos na […]

  • Muling nagkasama noong birthday ng dating asawa: POKWANG, ‘di ipagkakait si MALIA kay LEE at maging masaya

    KAHIT hiwalay na, nagkasama pa rin sina Pokwang at ex-partner na si Lee O’Brian para i-celebrate ang 47th birthday nito kasama ang kanilang mga anak.   Pinost ni Pokwang sa kanyang Instagram ang video ng birthday celebration ni Lee at masayang-masaya ang anak nilang si Malia.   “Happy birthday Dada @leeobrian. Pero ikaw @malia_obrian ang […]