Marcial may dalawang misyon
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
Dalawa ang tatargetin ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial sa kanyang susunod na pagsalang sa boksing.
Ito ay ang makuha ang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics at maging world champion sa middleweight division.
Ayon kay Marcial, hindi madali ang daang tatahakin nito. Subait handa ang Pinoy pug na magsakripisyo at gawin ang lahat upang makamit ang tagumpay na ito.
“Kailangan pa na pagbutihin sa training namin para maabot yung mga pangarap namin. Nasa puso na namin na gusto talaga naming makuha ang gold medal,” ani Marcial.
Nais nitong gawing inspirasyon ang naging karanasan ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na dumaan sa matinding pagsubok bago maabot ang inaasam na gintong medalya.
Apat na Olympic Games ang pinagdaanan ni Diaz bago makuha ang ginto — una noong 2008 sa Beijing, China kasunod ang 2012 London Olympics bago masiguro ang pilak sa 2016 Rio Olympics at ang ginto sa Tokyo Games.
Maliban sa Olympic gold, hangad din ni Marcial na makuha ang world title sa professional boxing.
Matapos ang Tokyo Olympics, nakaabang na ang professional boxing career nito kasama ang MP Promotions.
-
ECQ SA NCR PALALAWIGIN O HINDI, MAAGA PANG PAG-USAPAN
SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na masyado pang maaga para pag-usapan kung palalawigin o hindi ang Enhanced Community Quarantine (ECQ ) sa National Capital Region (NCR). Sa isang panayam, binigyan diin ng kalihim ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards matapos na sumirit ang bagong kaso ng mahigit 12,000 nitong […]
-
Covid-19 vaccination sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games, inaprubahan na
INAPRUBAHAN ng gobyerno ang panukalang iprayoridad ang COVID-19 vaccination sa mga atletang Filipino at opisyal bago pa magtungo ang mga ito sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Inter-Agency Task Force ang maagang pagbabakuna sa mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa dalawang nabanggit na sport […]
-
235 Araw ng Kapanganakan ni “BALAGTAS” ginugunita
ORION, BATAAN —Pinangunahan ng mga opisyales sa local ng munisipyong ito kasama ang mga opisyales ng KWF, NCCA, NBDB ang paggunita ng 235 taong kaarawan ng Bayaning Makatang si Gat Francisco “Balagtas” Baltazar noong ikalawang araw ng Abril taong 2023. Na may temang “Kultura ng Pagbabasa Tungo sa Pagkakaisa.” Para sa kaalaman ng […]