• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial pasok sa Q’finals

Kaagad nagpakita ng bangis si flag bearer Eumir Felix Marcial matapos magposte ng isang first-round stoppage sa kanyang Olympic Games debut.

 

 

Umiskor si Marcial ng isang RSC-I (Referee Stops Contest – Injury) win sa 2:41 minuto ng first round para sibakin si Algerian Younes Nemouchi sa kanilang round-of-16 middleweight fight.

 

 

Itinigil ni Slovakian re­feree Radoslav Simon ang bakbakan dahil sa pag-agos ng dugo sa kanang kilay ng Algerian galing sa isang head butt kay Marcial.

 

 

“Masaya po ako siyempre sa pagkapanalo. Hindi pa ito ‘yung last fight, marami pang fights na darating,” ani Marcial. “Kasama ‘yung mga coaches ko, pagha­handaan pa po namin ‘yung mga susunod na laban.”

 

 

Sasagupain ng 25-an­yos na tubong Zam­boanga City sa Linggo para sa bronze medal si Armenian Arman Darchinyan na tinalo niya sa faceoff noong 2018 world meet sa Russia.

 

 

Binigo ni Darchinyan si Andrej Csemez, 5-0, sa kanilang laban.

 

 

“Tinalo ko siya doon pero siyempre, itong Olympics talagang lahat naghanda para rito. Alam ko na handang-handa siya sa laban niya,” sabi ni Marcial.

 

 

Nabigo naman si flyweight Irish Magno na ma­duplika ang panalo ni Marcial nang yumukod kay Thai fighter Jutamas Jitpong.

 

 

Samantala, makiki­pagtuos si flyweight Carlo Paalam kay three-time Olympian Mohamed Flissi ng Algeria bukas ng umaga sa round-of-16.

 

 

Nagmula si Paalam sa pagpapatalsik kay two-time Olympian Brendan Irvine sa round-of-32.

 

 

Nauna nang tumiyak ng Olympic bronze medal si featherweight Nesthy petecio matapos gibain si Colombian Yeni Arias Castaneda kamakalawa.

Other News
  • Tiyak na ‘di makalilimutan ang naganap na bonding: KATHRYN at JOSHUA, pinasaya ang limang maswerteng TNT subscriber

    MASAYA ang pagpasok ng taon para sa limang maswerteng TNT subscriber na nakahalubilo ang mga KaTropang sina Kathryn Bernardo at Joshua Garcia bilang bahagi ng TNT Paskong Panalo promo. Kabilang sa mga nanalong subscriber na nag-register lamang sa kanilang mga paboritong TNT promo ay sina Benjie Carpio mula sa Pasig City, Gelica Gemina ng Quezon […]

  • Matindi ang pinagdaanan nang madagdagan ang timbang: ALFRED, umamin na bumaba talaga ang self-esteem at nag-iba ang buhay

    BILANG isang mahusay na aktres, meron pa bang role o papel na nais gampanan si Glydel Mercado na hindi pa niya nagagawa sa buong showbiz career niya?     “Actually yes, siguro yung pagkakaroon ng Schizophrenia!     “Gusto ko yung magagawa ko yung iba’t-ibang kinds of roles, na magagawa mo kasi puwede mong i-detach […]

  • Bilateral relations ng Amerika at Pilipinas, hindi magbabago sinuman ang manalo sa US Presidential elections – Malakanyang

    MANANATILI at walang magbabago sa bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos sinuman kina re- electionist US president Donald Trump at dating Vice President Joe Biden ang manalo sa ginaganap ngayong presidential election.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinuman ang tanghaling Presidente ng Amerika matapos ang resulta ng halalan ay mananatiling mainit ang […]