• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial: PBA hihinto sa FIBA

BALAK ipagpatuloy ng International Basketball Federation (FIBA) ang delayed windows ng 2021 Asian Cup qualifiers sa darating na Nobyembre’t Pebrero. Kung hindi pa kontrolado ang coronavirus disease 2019 sa November, hahataw ang mga laro sa FIBA sa kaagahan ng papasok na 2021 para matapos ang torneo ng bago matapos ang Agosto. Pinag-aaralan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang options kapag natuloy ang pinaplano ng world governing cage body. “Most of the national team members are pros, so there’s a big chance the PBA would have to stop action once the players take leave for them to play with Gilas,” lahad ng isang league source kahapon. Magmamadali ang PBA na tapusin ang 45th Philippine Cup sa Enero, kung maihahabol ang pagbabalik ng mga laro ng kahit gitna ng Oktubre. Naipahayag na sa nakalipas na linggo ni PBA commissioner Wilfrido Marcial na Marso o Abril ang susunod na 46th PBA 20201 season. Pero sa kasalukuyan kailangan munang tapusin ang PH Cup na natigil noong Mar. 11 dahil sa pandemiya.(REC)

Other News
  • Vaccine czar Galvez, nabakunahan na rin ng Sinovac

    Naturukan na rin ng Sinovac COVID-19 vaccine si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.     Isa si Galvez sa mga nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH), kung saan isinagawa ang ceremonial rollout.     Layon ng programang ito na palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa gitna ng hesitancy sa pagpapabakuna. […]

  • SHARON, proud and honored na maging part ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at malaki ang pasasalamat kay COCO

    OPISYAL na ngang KaProbinsyano si Megastar Sharon Cuneta at nagkaroon ng red-carpet event last November 9 ang Dreamscape Entertainment at isa nga ang lead-actor at creative director na si Coco Martin ang nag-welcome sa singer/actress.     Ang FPJ’s Ang Probinsyano nga ang kauna-unahang Kapamilya teleserye ni Sharon at karangalan nila na maging bahagi ng […]

  • Wallet na may laman shabu, napulot ng sekyu ng mall, may-ari timbog

    BINITBIT sa kulungan ang isang binata matapos balikan ang kanyang wallet na may lamang shabu nang mapulot ng security guard ng mall sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Mahaharap ang naarestong suspek na si alyas Dale, 19, ng Brgy. Longos sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Sa […]