• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial pinuri si Pacman

Nagbigay ng tribute si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial kay Manny Pacquiao isang araw matapos matalo ang Filipino world eight-division champion kay Cuban world titlist Yordenis Ugas.

 

 

Ayon sa middleweight na si Marcial, habambuhay na mananatili si Pacquiao sa kanyang puso.

 

 

“Ever since I was a child, the name Manny Pacquiao has always been the name I’ve always heard, and has always been known in the field of boxing,” sabi kahapon ng tubong Zamboanga City.

 

 

Isa si Marcial sa mga Pinoy boxers na nasa bakuran ng MP Promotions ni Pacquiao bukod kina World Boxing Organization (WBO) bantamweight king John Riel Casimero at International Boxing Federation (IBF) super flyweight ruler Jerwin Ancajas.

 

 

“Even until now, it’s still Manny Pacquiao,” wika ng 25-anyos na si Marcial sa fighting Senator. “Proudly, I am a Filipino! I am a boxer like you!”

 

 

Ang nasabing pagkatalo kay Ugas noong Linggo sa Las Vegas, Nevada ang sinasabing pinakahuling laban ng 42-anyos na si ‘Pacman’.

 

 

“You will always be my hero, and someone I’ll always look up to. Thank you so much for inspi­ring us,” dagdag ni Marcial na ginawa ang kanyang matagumpay na professional debut laban kay American Andrew Whitfield noong Disyembre.

 

 

Bago matapos ang taon ay inasahang muling aakyat ng boxing ring si Marcial para sa kanyang ikalawang pro fight.

Other News
  • Nadia, namahagi rin sa taunang ‘Noche Buena sa Kalsada’: CATRIONA, namigay ng ayuda sa isang libong pamilya noong Pasko

    IBANG klase si Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil isang libong pamilya ang binigyan niya ng grocery items nitong Pasko.     Ang mga biniyayaan ni Catriona ay mga beneficiaries ng Young Focus PH, isang non-government organization na naglalayon na mabigyan ng importansiya ang “mental, physical and social well-being” ng mga kabataan sa mahihirap na […]

  • Gobyerno, ipinagpaliban ang booster rollout para sa non-immunocompromised children na may edad na 12-17

    IPINAGPALIBAN  ng national government  ang  pagbibigay ng  kauna-unahang  COVID-19 booster dose para sa non-immunocompromised children na may edad na  12 hanggang 17  bunsod ng  ilang  “glitches”  sa  Health Technology Assessment Council (HTAC).     Ipinaliwanag ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje  na ang  HTAC ay gumawa ng kundisyon […]

  • Mamale Site 8 pumping station

    MAYROON na ngayon 81 pumping station ang Navotas City na panlaban sa mataas na baha tuwing high tide o may bagyo, kasunod ng pagbabasbas pagpapasiya sa MAMALE SITE 8 pumping station sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco, at Congressman Toby Tiangco, at iba pang mga opisyal ng lunsgod, bilang bahagi ng ika-17th cityhood anniversary ng Navotas. […]