• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos sa LGUs: Maglagay ng common area sa fireworks display

UPANG mabawasan ang pinsala na dulot ng paputok, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga local government units (LGUs) na maglagay ng common area para sa fireworks display sa pagsalubong sa Bagong Taon.

 

 

Ayon sa Pangulo, mas makakabuti kung gagawa na lamang ang mga LGUs ng magandang fireworks display na panonoorin ng kanilang mga constituents.

 

 

Pero binalaan din niya ang mga Pilipino tungkol sa mga panganib at epekto sa kalusugan nang paggamit ng paputok lalo na ang mga hindi nag-iingat at hindi isinasaalang-alang ang kaligtasan ng iba.

 

 

“Huwag muna tayong magpaputok at alam naman natin kung minsan delikado ‘yan. Lalo na ngayon at maglalabas sila ng mga paputok na hindi natin alam kung saan galing, kung maayos ang pagkagawa,” ani Marcos.

 

 

Nauna nang napansin ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok sa bansa base sa mga numero sa mga nakaraang taon.

 

 

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, sa isang forum nitong Martes, na 122 kaso ang naitala noong 2020, habang 128 ang naiulat noong nakaraang taon.

 

 

Pinalakas naman ng Philippine National Police ang pagsisikap na magsagawa ng cyber patrol, pagkum­piska at pagsira sa mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics upang maprotektahan ang publiko. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, opisyal na na-switch on ang San Juanico Bridge lighting project

    PORMAL nang “naka- switched on” ang  San Juanico Bridge aesthetic lighting project, gabi ng Miyerkules.     Itinuring  ito ng  Samar provincial government  bilang “something that will rewrite history.”     Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos  ang nasabing event. Dumating ang Pangulo sa tulay ng alas- 7 ng gabi, Oktubre 19  para sa opisyal […]

  • Bukod sa hinuhulaan na kung sinu-sino ang magwawagi: Direk ICE, JONA, ZEPHANIE at REGINE, may mga pasabog sa ‘The 5th EDDYS’

    KANYA-KANYA nang hula ang mga fans at netizens kung sinu-sino ang magwawagi sa The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ngayong Linggo na, November 27 sa Metropolitan Theater (MET).     Magsisilbing host sa awards night ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda at sa […]

  • POLICE WOMAN NAGPAPUTOK NG BARIL, ARESTADO

    Kalaboso ang isang police woman matapos walang habas na magpaputok ng kanyang service firearm makaraang makatalo ang kanyang live-in partner dahil umano sa selos sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Malabon City.     Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz ang dinakip na si PSSg. Karen Borromeo, 39 ng Purok 6 Dulong […]