Marcoses, dapat papanagutin para sa pagkamatay at pang-aapi kay Ninoy — Aquino family
- Published on November 28, 2024
- by @peoplesbalita
NANINIWALA ang pamilya Aquino na dapat papanagutin ang mga Marcoses para sa pagkamatay at pang-aapi sa pinaslang na si dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. 41 taon na ang nakalilipas.
Ang pahayag na ito ng pamilya Aquino ay itinaon sa 92nd birth anniversary ni Ninoy, araw ng Miyerkules, Nov. 27, at isang araw matapos na inguso ni Vice President Sara Duterte ang pamilya Marcos sa pagpatay sa dating senador.
Naniniwala naman ang mga Aquino na dapat ding papanagutin ang mga Marcoses para sa mga pagpapahirap sa lahat ng iba pang indibiduwal na kinidnap, tinortyur at pinatay sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
“Si Ninoy Aquino na siguro ang pulitikong nakaranas ng pinakamatinding panggigipit mula sa mga Marcos,” ang nakasaad sa kalatas mula sa pamilya Aquino na naka-post sa fan page ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III’s Facebook page.
“Karapat-dapat na sila’y panagutin para sa kanya at sa libu-libo pang dinakip, tinortyur, at pinatay sa panunungkulan ni Marcos, Sr.,” ayon pa rin dito.
Sinabi pa rin ng pamilya Aquino na naniniwala ang kanilang angkan sa mapamayapang rebolusyon kahit pa sa mga huling araw nito, at noong 1986, ito ang isa sa nagpalaya sa sambayanang Filipino mula sa “the brutality and greed of dictatorship.”
“That has also become the stand of the Aquino family ever since,” ayon pa rin sa nasabing kalatas.
“Mariin naming tinututulan ang anumang bantang karahasan o pagpaslang,” ang mababasa pa rin sa kalatas.
Sa kabilang dako, nanawagan naman ang pamilya Aquino sa mga mamamayang filipino na ipagdasal ang bansa.
Sa katunayan, isang political drama ang nagaganap ngayon sa pagitan ng mga dating campaign allies, President Marcos at Vice President Duterte, matapos na isiwalat ng huli ang political oppression mula sa administrasyong Marcos.
Isiniwalat pa rin ni VP Sara na kumausap na siya ng assassin para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Marcos at House Speaker Ferdinand Romualdez kapag may nangyari umanong masama sa kaniya.
Hindi naman pinalampas ni Pangulong Marcos ang mga naging pahayag ni VP Sara.
“Di ba pumalag nga yung buong bayan nung pinatay ng pamilya nila si Benigno Aquino Jr.?” ang buweltang naging tanong naman ni VP Sara sa mga mamamahayag. ( Daris Jose)
-
Gobyerno, target na malampasan ang 100% rice self-sufficiency- PBBM
TARGET ng pamahalaan na malampasan ang 100-percent rice self-sufficiency gamit ang agricultural initiatives nito. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang weekly vlog na ipinalabas, araw ng Sabado. Sinabi ng Pangulo na itinutulak ng kanyang administrasyon ang iba’t ibang proyekto at programa na makatutulong sa mga Filipino […]
-
Mag-utol, 2 pa nabitag sa P136K shabu sa Valenzuela
ISINELDA ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang magkapatid matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu makaraang maaresto sa magkahiway na buy bust operation sa Valenzuela City. Ayon kay PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-4:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga […]
-
IVANA, kung anu-anong raket ang pinasok para makatulong sa pamilya; nari-reject noon dahil ‘pangit’ siya
SA latest vlog ng sexy actress at YouTube star na si Ivana Alawi, inamin niya na kung anu-anong raket ang pinasok niya para lang mapangatawanan ang pagiging breadwinner ng pamilya. Kasama niya sa vlog ang mga kapatid na sina Hash Alawi at Mona Louise Rey, sersoyo nga nilang pinag-usapan ang pagiging breadwinner ng […]