• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MARIAN, ‘di sang-ayon sa humihikayat kay DINGDONG na tumakbong Senador; inactive ngayon sa social media accounts

MARAMI raw ang humihikayat kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na kumandidatong Senador sa 2022 elections.

 

 

Kung matatandaan ay marami na ring humikayat kay Dingdong noong 2019 elections na kumandidato siya pero hindi napilit si Dingdong, although wala siyang ibinigay noon na dahilan kung bakit ayaw niya.

 

 

This time, totoo kayang ang wifey niya na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang ayaw na tumakbo siya?

 

 

Sinasabing ito raw ang reason kung bakit inactive, ilang linggo na, ang social media accounts ni Marian, ayaw daw nitong sumagot sa mga comments ng mga nagtatanong.

 

 

Si Marian ay napakatahimik na tao, lalo na pagdating sa kanyang pamilya, at hindi mo siya masisisi kung ayaw niyang payagang kumandidato si Dingdong.

 

 

Siyempre, kung ayaw ni Marian, hindi rin naman siya pipilitin ni Dingdong. May magagawa naman siyang ibang bagay para sa bansa, hindi lamang ang pagkandidato niya sa public office.

 

 

***

 

PANSAMANTALA munang iniwan ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang Baler, Quezon, at bumalik sa bahay nila sa Quezon City, para simulan na niya ang pagpaplano ng wedding nila ng fiancé niyang si Irish surfer David Rainey.

 

 

Matatandaang naganap ang engagement nila ni David nang sa Ireland siya nagpalipas ng Christmas  2020.

 

 

Natuwa ang mga fans ni Glaiza nang i-post niya ang prenup photo nila ni David sa Ireland.

 

 

Isa sa mga wedding suppliers na ka-meeting ni Glaiza ang Nice Print Photo na siyang nag-post sa kanilang Instagram.

 

 

Noon pang bumalik si Glaiza from Ireland dapat ginanap ang wedding planning pero tinapos munang gawin ng aktres ang upcoming GMA Afternoon prime series niyang Nagbabagang Luha with Rayver Cruz. 

 

 

Wala pa namang sinabi si Glaiza kung kailan ang wedding nila ni David, maliban sa magiging simple lamang ang kasal nila ng fiancé na nakilala niya noong 2018 sa Siargao.  Pero minsan ay nabanggit na rin ni Glaiza na dito muna sa Pilipinas sila magpapakasal at saka naman sa Ireland kung saan sila magha-honeymoon.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Susuportahan ni ex-Pres. Duterte ‘pag nag-senador… Update sa ‘Vagabond 2’ ni LEE SEUNG GI, inaabangan mula kay Manong CHAVIT

    ANO na kaya ang latest update sa sequel ng ‘Vagabond’, ang action thriller K-drama na pinagbidahan nina Bae Suzy at Lee Seung Gi na pinalabas noong September 20 hanggang November 23, 2019?         Naibalita last April na ang ‘Vagabond Season 2’ ay nakatakdang mag-shoot sa bansa natin, na kung saan sinasabing muling […]

  • Mayor, konsehal na akusado sa rape, dinampot ng NPD

    BINITBIT ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang alkalde, konsehal, at kawani ng isang bayan sa Bulacan na pawang akusado sa panggagahasa mahigit limang taon na ang nakakalipas sa Caloocan City.       Sa ulat ni NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Anthony […]

  • Kai Sotto maraming bubutataan sa NBA

    Lalong dumami ang humanga sa higanteng si Kai Sotto sa ipinakita nitong mataas na vertical leap na 11.5” o lundag na halos 12 feet.   Lalong pinataas ng 18-year-old Sotto ang kanyang kalidad bilang manlalaro  matapos ibalandra sa social media ang ipinagmamalaking mataas na lundag.   Sa video na ipinost nito sa Instagram, makikitang bumwelo si Sotto bago lumundag […]