• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MARICEL, aminadong kinabahan at nag-worry na baka walang manood sa first episode ng YouTube vlog

NAENGGANYO na rin ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano na maging YouTube vlogger na kung saan na in-upload na ang kanyang first episode last Friday, September 10.

 

 

Ang kanyang YT channel ay ‘Marya The Maricel Soriano Channel.’

 

 

Pag-amin ni Marya, ni-nerbyos siya dahil baka wala raw manood sa kanyang vlog.

 

 

“Ninenerbyos ako dito sa first telecast natin. Meron kayang manonood?,” sabi niya.

 

 

Alam ko ‘yung mga fans ko nandiyan, mahal nila ako, papanoorin nila ako. Sabi ko, paano natin ime-maintain ‘to? Hindi biro.” 

 

 

Dagdag alalahanin pa ng mahusay at premyadong aktres, “Siyempre maraming mamba-bash. Hindi naman lahat ng tao gusto ako. Paano kung hindi nila ako type, di ba? Paano na ‘to?”

 

 

“First time nga ako ninerbyos. Hindi ako nininerbyos kapag nagsu-shooting ako. Hindi ako ninenerbeyos kapag marami akong linya.     “Naku, paramihan pala ng subscribers ‘to. Baka naman hindi ako mag-click diyan ano ba’ sabi kong ganu’n. Siyempre matanda na ako. Hindi naman ako bagets. ‘Yung mga bagets lang ngayon ang in di ba?

 

 

Paano naman ang 56 gaya ko?  Paano na ako, if I won’t make it, what will I do?” 

 

 

Sa vlog, napansin din ang ginawang crochet ni Marya para sa kanyang tumbler, na isa pala sa kanyang libangan, pero maliliit lang, dahil hindi niya kayang gumawa ng sweater or blanket.

 

 

Napag-usapan din ang pagiging looking young niya at ang pagiging babaeng bakla niya, at pinakita ang platinum blond niya na naka-pixie cut.

 

 

Inamin din ni Maricel na very sensitive siya, intuitive at escapist.

 

 

Marami pang ni-reveal ang aktres sa kanyang first vlog at isang bahagi ay nalungkot siya at naging emosyonal, lalo na sa napag-usapan ang lowest part of your life.

 

 

Marami naman ang nag-welcome sa kanya sa YouTube world and vlogging, at marami rin natutunan sa pinagdaanan ni Marya. At may nag-suggest sa magiging contents para sa next episodes, kaya kaabang-abang ang magiging ka-collab niya na mga close friends niya sa showbiz.

 

 

Hopefully, in the near future, mag-collab din sila ni Megastar Sharon Cuneta, siguradong pag-uusapan ito sa showbiz world ang kwela nilang pagsasama.

 

 

Nang I-check namin ang vlog niya, meron na itong 52K views, marami nang-like at nag-comment sa pampa-good vibes na YT vlog ng Diamond Star.

 

 

***

 

 

SINA Diego Loyzaga at Christian Bables ang mga Bekis On The Run, sa pinaka-aabangan na comedy-drama movie ng award-winning direktor na si Joel Lamangan, exclusive sa VIVAMAX ngayong Biyernes, September 17.

 

 

Sinubukan ni Andres (Diego) at ng kanyang bading na kapatid na si Donald (Christian) na nakawan ang isang construction site, ngunit wala sa plano nila ang mga nangyari at napilitan silang tumakbo.

 

 

Pero nakuha nila ang simpatiya ng mga tao, lalo na ng gay community nang maging viral sa social media ang video ni Nanay Pacing (Lou Veloso), ang dahilan kung bakit sinubukan magnakaw ng magkapatid.

 

 

Kinuwento ni Nanay Pacing ang kanyang sakit at ang kagustuhan ng magkapatid na tulungan siyang makakuha ng pera para sa kanyang operasyon.

 

 

Kasama sa pelikula si Kylie Verzosa bilang si Adriana, ang partner ni Andres; at si Sean De Guzman bilang Martin, ang ex-boyfriend ni Donald.

 

 

Bukod sa pagiging comedy-drama film, tatalakayin din ang korupsyon, at mga hindi napag-uusapang tema katulad ng mga gay men sa military.

 

 

Bilang gawa ito ni direk Joel Lamangan, siguradong madaming dapat abangan sa pelikula.

 

 

Kaya wag nang tumakbo, stay at home at panoorin ang Bekis On The Run sa September 17, exclusively streaming sa VIVAMAX.      Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na din ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PhilHealth: Membership database ‘di napasok ng ’Medusa’ cyber attack

    TINIYAK  ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang kanilang membership database ay hindi naapektuhan ng naganap na Medusa ransomware attack, na naging sanhi upang mapilitan ang ahensiya na i-shutdown muna ang kanilang online systems.       Sinabi ni PhilHealth president at CEO Emmanuel Ledesma Jr. na hindi nagalaw ng hackers ang kanilang membership […]

  • Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS

    WALA umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.   Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.   Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang […]

  • Ads November 22, 2021