• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maricel, happy and speechless dahil ‘di pa rin makapaniwala: Sister ni DONNY na si ELLA, engaged na sa non-showbiz bf

MUKHANG mauunahan si Donny Pangilinan ng kanyang sister na si Ella na mag-asawa dahil engaged na ito sa non-showbiz na si Enrique Miranda.

 

 

Pinost ni Ella ang special moment na ito sa Instagram at tinawag niya itong “Best Christmas present ever.”

 

 

Unang natuwa ay ang kanyang mom and dad na sina Maricel Laxa-Pangilinan at Anthony Pangilinan. Natuwa rin ang mga kapatid niya at pati na ang mga pinsan nila na sina Kianna, Paolo at Gab Valenciano. Happy rin si KC Concepcion sa nangyaring engagement.

 

 

Post ni Maricel sa kanyang IG: “Engaged. Speechless, still processing as my heart is full. Thank you Enrique M for the love and the boldness to take the next step. Special shoutout to Ferds who made the introductionn that led to this.”

 

 

Post naman ni Donny: “I LOVE YOU BOTHHHHHH.”

 

 

Ilan pa sa mga celebs na binati si Ella at Enrique ay sina Ryan Agoncillo, Ruffa Gutierrez, Sofia Andres, Karylle, at Ria Atayde.

 

 

***

 

 

NA-RELEASE na ang music video ng a cappella group na Pentatonix ng classic Filipino Christmas song na “Christmas In Our Hearts” kunsaan kasama nila ang Tony Award winner na si Lea Salonga.

 

 

Kasama ang duet na ito with Lea sa holiday album ng Pentatonix na Holidays Around the World.

 

 

Noong Friday na release ang music video at nakakuha na ito ng 130,000 views on YouTube at sunud-sunod na papuri mula sa mga Filipino fans. Nasa number 19 na ito on trending for music at almost 900K na ang views.

 

 

Noong October nang i-announce ni Lea ang collaboration niya with Pentatonix sa pag-awit ng “Christmas In Our Hearts” ni Jose Mari Chan.

 

 

Ang iba pang international artists na kasama sa holiday album ng Pentatonix ay sina Lang Lang, La Santa Cecilia, The King’s Singers and Meghan Trainor. I-perform din ng Pentatonix ang mga Christmas songs sa album sa kanilang US tour na Pentatonix: A Christmas Spectacular.

 

 

***

 

 

KINUWENTO ng Hollywood actor na si Ashton Kutcher ang pakikipaglaban niya sa sakit na Vasculitis sa isang episode ng “The Checkup with Dr. David Agus” on Paramount+.

 

 

Noong 2019 ay na-diagnose si Kutcher with Vasculitis na ayon sa Mayo Clinic ay: “Inflammation of the blood vessels which can cause the walls of the blood vessels to thicken, which reduces the width of the passageway through the vessel. If blood flow is restricted, it can result in organ and tissue damage.”

 

 

Dahil sa naturang sakit, nagkaroon ng problema sa kanyang paningin ang aktor. May naging problema rin sa kanyang pandinig at hindi siya makapaglakad ng tama dahil apektado in ang pagbalanse ng katawan niya. Ngayon ay paunti-unting nakakasanayan na ng aktor ang kanyang sakit.

 

 

Sey ni Kutcher: “There’s a standard you become accustomed to in your life, like being able to see clearly… and then suddenly you can’t see… and then like, ‘Why are you not talking louder because I can’t hear you?’ You want to reclaim the health that you once had.”

 

 

Ni-reveal din ni Ashton na ang kanyang twin brother na si Michael ay pinanganak na may cerebral palsy. Nagkaroon din daw ng heart condition ito noong teenager na muntik na ikamatay nito.

 

 

“My dad comes and picks me up and says we are going to go see your brother… and I was like, ‘Everything is not okay,’ and he flatlines in the room and I’m like, ‘What the hell…?’” kuwento pa ng aktor.

 

 

Masuwerte raw si Kutcher na buhay pa rin siya dahil sa sakit niya ay iilan lang daw ang tumatagal.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Banta ng Delta variant: Mga magulang, pinayuhang ‘wag palabasin mga bata

    Hinihimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga magulang at bantay ng mga bata na kung maaari ay panatilihin na lamang sa loob ng bahay ang mga menor de edad.     Ito’y sa harap na rin nang patuloy na pagtaas ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Delta variant cases at habang pinag-aaralan pa ng […]

  • Mahigit 70-M na national ID naipamahagi na ng PSA

    MAHIGIT  70 milyon na mga Philippine Identification System ID (PhiID) at ePhilID ang naipamigay na sa mga rehistradong mamamayan.     Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang bilang ay hanggang Hunyo 16 na may kabuuang 70,271,330.     Sa nasabing bilang aniya ay nasa mahigit 33 milyon dito ang nabigyan na ng card […]

  • P50 MILYONG PONDO IPINAG-KALOOB SA 10 OSPITAL SA LUNGSOD QUEZON

    SAMPUNG ospital sa Lungsod Quezon ang pinagkalooban ng P50-milyong pondo sa ilalim ng medical access program (MAP) ni Senador Joel Villanueva nitong Miyerkules.     Sa kanyang talumpati, sinabi ni Quezon City Mayor Belmonte “Ito ay talagang maliwanag na indikasyon ng kanilang unwavering commitment para matulungan ang buhay ng mga Pilipino.”     Ang punong […]