• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas kaunting bilang ng teenage pregnancies dahil sa bigilante, pandemya- POPCOM chief

TINUKOY ni Commission on Population and Development (POPCOM) officer-in-charge Executive Director Lolito Tacardon  na ang masigasig na pagbabantay ng publiko at ang  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic  ang mga dahilan kung bakit bumagsak  ang  bilang ng teenage pregnancies  na naitala sa bansa.

 

 

Tugon ito ng POPCOM sa ipinalabas ng  University of the Philippines Population Institute (UPPI) na resulta ng 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS5),  nagpapahayag na ang proporsyon ng mga kabataang kababaihan na may edad na  15 hanggang  19 na naitatalang kagyat na nabubuntis ay bumaba mula 13.7% noong  2013 sa  6.8% ngayong 2021.

 

 

“The notable decline in the proportion of young women who have started childbearing can be considered a result of the continuing and collective advocacies, as well as initiatives, of all stakeholders from the national down to the local levels,” ayon kay Tacardon sa isang kalatas.

 

 

“While the study was conducted during the pandemic, the reduction in teenage pregnancy numbers implies that young people can make informed and responsible decisions about their sexuality, given an enabling environment,” winika pa nito.

 

 

Sinang-ayunan naman ni Tacardon  ang natuklasan ng YAFS5 na ang pagbaba sa teenage pregnancies ay maaaring dahil sa  pagbaba ng premarital sex engagement, at maging ang  pinahusay na paggamit ng contraceptives.

 

 

Gayunman, sinabi ni Tacardon na ang Covid-19 pandemic ay nakapagpakita ng extraordinary circumstances nang ang mga kabataan ay napilitan na manatili ng ilang buwan sa loob ng kanilang tahanan at nilimitahan ng gobyerno ang kanilang galaw matapos na magpatupad ng  lockdowns dahilan na rin upang maging limitado ang inter-aksyon sa kanilang mga ka-edaran at partners.

 

 

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng teen pregnancy at childbearing figures  sa iba’t ibang panig ng bansa, sinabi ni Tacardon na mahalaga na ikunsidera  na  mahigit sa kalahati ng rehiyon ang nakapagtala ng  higher rates kumpara sa  national average.

 

 

Ang  Davao ay nakapagtala ng 13.6% habang ang Bangsamoro Regions  naman ay mayroong 10%.

 

 

“We should not let our guards down, as they gradually return to their normal activities. It should give us more resolve to strengthen and sustain our efforts in providing age-appropriate comprehensive sexuality education and information, as well as access to reproductive health services among adolescents, which we deem will sustain, or further accelerate, the decline in adolescent pregnancy percentages,” ayon kay Tacardon.

 

 

Tinawagan naman ng pansin ni Tacardon ang kinauukulang sektor na paigtingin ang kanilang  “level of monitoring, vigilance, and actions to keep the causes of pregnancies among teenagers in check.”

 

 

Hinikayat naman nito ang mga institusyon at stakeholders na palakasin ang “collective efforts” sa ilalim ng  Executive Order No. 141, s. 2021 upang matugunan ang ugat na itinuturong dahilan ng adolescent pregnancies sa pamamagitan ng  whole-of-nation approach.  (Daris Jose)

Other News
  • Trabaho para sa seniors, PWDs tuluy-tuloy sa Maynila

    TULOY pa rin ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng pagkakataong makapasok ng trabaho ang mga senior citizen at persons with disability (PWDs) upang maitaas ang kanilang moral.     Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna, na paborito niya ang mga senior citizen at PWDs  na mabigyan ng trabaho dahil hindi lamang para kumita […]

  • ‘Mr. M’, hiyang-hiyang nag-apologize sa pagkaladkad kina PIOLO at MAJA; ‘SNL’ six months dapat pero natsugi na

    NAG–APOLOGIZE si Johnny “Mr. M” Manahan kina Piolo Pascual at Maja Salvador dahil sa pagkatsugi ng Sunday Noontime Live (SNL) sa TV5.     Inamin ni Mr. M na sumama sa SNL ang dalawa dahil sa loyalty nila sa kanya.     Six months daw kasi ang pinangako ng Brightlight Productions sa pag-ere ng SNL. […]

  • Utang ng gobyerno ng PH, lumobo sa P14.10T noong Mayo – Bureau of Treasury

    LUMOBO sa ₱14.10 trillion ang kabuuang utang ng pamahalaan sa pagtatapos ng Mayo ngayong taon ayon sa Bureau of the Treasury.     Ang halaga ay tumaas ng 1.3% o ₱185.40 bilyon mula sa nakaraang buwan dahil sa net issuance ng panloob at panlabas na utang gayundin ang pagbaba ng halaga ng piso kontra sa […]