Mas mabigat na parusa sa mga law enforcers na sangkot sa pagtatakip sa krimen, isinulong
- Published on February 1, 2024
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG ng isang mambabatas ang panukalang pagataw ng mas mabigat na parusa sa law enforcers at ibang persons in authority na sangkot sa pagtatakip o paggalaw sa ebidensiya sa mga kaso na may kaugnayan sa drugs at iba ang heinous crimes.
Sa panukala ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan, nais nitong patawan ng 20 taong pagkabilanggo ang napatunayang nagkasala mula sa kasalukuyang maximum 12-taong pagkakakulong.
“Law enforcers and other persons in authority are responsible for maintaining public order and preventing crime. They should be held to a higher standard of behavior and conduct as protectors of the people,” ani Yamsuan, dating assistant secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon sa mambabatas, kung sila mismo ang magiging problema sa kaso kapag naging kasabwat o accessories sa krimen ay tatanawin silang ‘hoodlums in’ na nararapat na mapatawan ng mabigat na parusa sa ilalim ng batas.
Upang maipataw ang mabigat na parusa, layon ng House Bill (HB) 7972 na maamyendahan ang Article 19 ng Revised Penal Code upang maisama sa mapapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga persons in authority na nagsilbing kasabwat sa komisyon ng krimen.
Sinabi ni Yamsuan na sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang heinous crimes tulad ng drug trafficking ay may parusang reclusion perpetua o pagkakakulong ng 20-40 taon habang ang nagsilbing accesories o kasabwat ay may parusang 6-12 taong pagkakakulong.
Sa HB 7972, nais ng mambabatas na mapatawan ng mabigat na parusa ang kasabwat na law enforcersat iba pang persons in authority kung saan ang parusa ay reclusion temporal o pagkakakulong ng 12-20 taon.
Nakapaloob sa Republic Act 7659, kasama sa heinous crimes ay ang “importation, distribution, manufacturing and possession of illegal drugs. Other offenses classified as heinous crimes are treason; piracy in general and mutiny on the high seas in Philippine waters; qualified piracy; qualified bribery; parricide; murder; infanticide; kidnapping and serious illegal detention; robbery with violence against or intimidation of persons; destructive arson; and rape.” (Ara Romero)
-
OFFICIAL TRACE APP, INILUNSAD SA MAYNILA
INILUNSAD kahapon sa lungsod ng Maynila ang Official Tracer App ng Pilipinas para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Nanguna sa launching ng naturang App, na tinatawag na ‘staysafe.ph’ ay sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, COVID testing Czar Secretary Vince Dizon, Tracer Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at […]
-
Abalos mas gustong sundin si Año, kaysa kay Roque ukol sa face shield policy
SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mas gugustuhin pa niyang sundin ang posisyon ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Eduardo Año na tuluyan nang ibasura ang polisiya ng sapilitang pagsusuot ng face shield kahit walang approval o pagsang-ayon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of […]
-
PBBM, inatasan ang Los Angeles consul na tukuyin ang mga Pinoy na nangangailangan ng tulong sa gitna ng wildfires
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang awtoridad na tukuyin ang mga Pinoy na nangangailangan ng tulong at apektado ng malawak na wildfires na tumama sa katimugang bahagi ng California. “Yes, he directed our consulate in Los Angeles to work with local authorities in identifying Filipino nationals in need of assistance,” ang sinabi […]