• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas madaling medical access sa mga buntis, isinulong

KAILANGANG maglaan ng mas maraming resources para masigurong may sapat at madaling access sa health services ang mga kababaihan sa kanilang pagdadalang-tao at panganganak,

 

 

Reaksyon ito ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes matapos mapansin ng United Nations Population Fund (UNFPA) Philippines na nasa 6-7 pinay ang namamatay sa pagbubuntis at panganganak dala na rin sa kakulangan ng access sa health services.

 

 

“During emergencies, when access to maternal health services is disrupted, more women die during pregnancy and childbirth. Women die because sexual and reproductive health services are unavailable, inaccessible, unaffordable, or of poor quality,” ayon kay UNFPA Country Representative Dr. Leila Saiji Joudane sa isang press release.

 

 

Ang kanyang pahayag ay base sa Philippine Statistics Authority (PSA) data, kung saan ipinapakita na 2,478 babae ang namatay dahil sa maternal causes noong 2021, mula 1,458  noong 2019.

 

 

Nabatid din ng UNFPA na 14% ng buntis ang hindi sumasailalim sa regular check-ups at iba pang kinakailangang medical care tuwing nagbubuntis at isa sa bawat 10 kababaihan ang hindi nanganganak sa health facilities o nakatanggap ng assistance mula sa skilled healthcare personnel tuwing nanganganak.

 

 

“Dehado ang mga kababaihan sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) dahil mas malaki ang kailangan nilang gastusin para makakuha ng health services,” anang mambabatas.

 

 

Idinagdag nito na mahalaga na inilalapit ang serbisyo sa kanila (Ara Romero)

Other News
  • Fernando mandates temporary suspension of mining activities, demands DPWH, LTO, PNP, HPG to help crackdown overloading

    CITY OF MALOLOS – To address the ongoing issue on dilapidated roads and over-mining in the province, Bulacan Governnor Daniel R. Fernando issued Executive Order No. 21 which mandated the temporary suspension of all mining permits, quarrying, dredging, desilting and other type of mineral extractive operations within Bulacan.     During the dialogue with the […]

  • Kai Sotto pinagbidahan ang Adelaide 36ers

    MULING nagpasiklab si Kai Sotto upang tulungan ang Adelaide 36ers sa 88-83 overtime win laban sa Melbourne United sa 2021-2022 Australia National Basketball League (NBL) kahapon sa Adelaide Entertainment Center.     Naging instrumento ang 7-foot-3 Pinoy cager para makuha ng 36ers ang ikaapat na panalo sa 10 pagsalang para saluhan sa No. 6 spot […]

  • Ex-NBA star Dennis Rodman handang kausapin si Putin para mapalaya si WNBA star Griner

    HANDANG  tumulong si dating NBA star Dennis Rodman para mapalaya si WNBA star Brittney Griner na nakakulong sa Russia.     Sinabi ng beteranong NBA player na handa itong kausapin si Russian President Vladimir Putin para magkaroon ng prison swap na nakulong WNBA star.     Naging susi kasi si Rodman sa pagpapalaya sa American […]