• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila nakaamba

Nakaamba ang pagpapatupad ng mas istriktong quarantine sa Metro Manila kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan ang tinatawag na “two-week attack rate” at ang critical care capacity ng mga ospital.

 

Sinabi ni Roque na hindi na maibabalik ang panahon para sa mga hindi sumunod sa social distan­cing noong Pasko, Bagong Taon at Traslacion.

 

“Well, unang-una iyong nangyari ay nangyari na hindi na natin maibabalik ang panahon. Iyong mga hindi po nag-observe ng social distancing noong panahon ng Pasko, BagongTaon at Traslacion, naririyan na iyan,” ani Roque.

 

Wala na rin aniyang magagawa para sa mga hindi sumunod na tiyak na nakakaranas na ng mga sintomas.

 

Pero ang mabuting balita aniya ay may sapat na kakayanan ang mga ospital para gamutin ang mga tinamaan ng COVID-19.

 

Inulit din ni Roque ang payo ng Department of Health para  sa mga pumunta sa Traslacion na mag-isolate na kung may nararamdamang sintomas ng virus at magpa-test pagkatapos ng anim na araw simula nang magpunta sa Quiapo.

 

Sa pahayag ng OCTA Research Group, nagkaroon na ng pagtaas sa COVID sa Metro Manila matapos ang mahigit 400 nadagdag na kaso.

 

Ayon kay Dr. Ranjit Rye ng Octa Research, kailangan nang kumilos at magpatupad ng kaukulang hakbang ang pamahalaan para maiwasan ang paglobong muli ng COVID cases sa MM.

 

Tumaas din ang reproduction number ng bansa batay sa record ng Department of Health na 1.13 na mas mataas kumpara sa 1.02 noong Disyembre 21 na indikasyon na kumakalat ang virus.

 

Bunga nito, nanawagan ang grupo sa pamahalaan at LGUs na magpatupad ng pinaigting na testing, tracing, at pag-isolate upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at higpitan ang border control.

 

Hinala pa ng OCTA team na maaaring nasa Pilipinas  na ang bagong COVID-19 variant mula sa UK. (ARA ROMERO)

Other News
  • May napili ng kapalit ni Sinas bilang hepe ng PNP

    NAKAPAMILI na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kung sino ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na wala siyang go signal para isiwalat at ianunsyo sa publiko kung sino ang napisil ni Pangulong Duterte na magiging kapalit ni PNP chief Police General Debold Sinas, na […]

  • Nakababatang kapatid ng hepe ng PNP, itinalaga bilang bagong Wescom commander

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Fleet commander, Rear Admiral Alberto Carlos, bilang bagong commander ng Western Command (Wescom) Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Palawan.     Si Carlos ay nakababatang kapatid ni Philippine National Police (PNP) chief, General Dionardo Carlos.     Sa isang text message, kinumpirma ni Department of […]

  • Organized crime group, tumira kay Degamo – PNP

    ISANG organized crime group ang nasa likod umano ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.     Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief Col. Redrico Maranan, ang matataas na kalibre ng mga baril na gamit ng mga suspek, mga sasakyan at suot na uniporme ng law enforcement agencies ay indikasyon […]