• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas marami pang criminal complaints, inaasahang ihain laban kay suspended BuCor chief Bantag

INAASAHANG mas marami pang criminal complaints ang ihahain laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

 

 

Ayon kay BuCor Acting Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr, patuloy na nangangalap ng ebidensiya ang BuCor laban kay Bantag para sa plunder charges nito sa umano’y maanomaliyang proyektong pagtatatag ng tatlong prison facilities na nagkakahalaga ng P900 million.

 

 

May mga witness na aniyang handang tumestigo laban kay Bantag kabilang na ang mga contractors ng nasabing proyekto.

 

 

Aniya, napilitan lamang ang mga ito na baguhin ang detalye para sabihin na 95% kumpleto ang proyekto subalit hanggang ngayon ay hindi pa natatapos.

 

 

Inihayag din ni Catapang na base sa BuCor official na nag-inspeksiyon sa naturang proyekto na wala pa sa mahigit 60% ang natatapos sa naturang proyekto.

 

 

Hiniling na aniya ang tulong ng Department of Justice para sa karagdagang dokumento para suportahan ang kasong plunder laban kay Bantag.

 

 

Kung maaalala, sinampahan si Bantag ng dalawang kaso ng murder o pagpatay may kinalaman sa Percy lapid killing at nahaharap din sa torture at physical injuries complaints dahil umano sa pananakit at pagmaltrato sa persons deprived of liberty (PDLs) na sina Ronald Usman at Jonathan Escopete sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na inihain sa Department of Justice (DOJ). (Daris Jose)

Other News
  • Number 16 ni Paul Gasol, retirado na

    Tuluyan ng niretiro ng Los Angeles Lakers ang jersey number ni retired player Pau Gasol.   Isinagawa ang isang seremonya sa Crypto.com Arena sa halftime sa laban ng Lakers kontra Memphis Grizzles.   Dito ay ipinakita ng Lakers ang number 16 na jersey ni Gasol at niretiro na nila katabi ang jersey number 24 ng […]

  • Pukpukan na sa UAAP 2nd round

    PAPASOK  na ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa krusyal na second round.     Kaya naman inaasahang mas magiging matin­ding bakbakan ang masi­silayan dahil unahan na ang lahat ng teams para ma­kapasok sa Final Four.     Magsisimula ang se­cond round bukas tampok ang salpukan ng reigning champion Ateneo at La Salle sa […]

  • NET25’s Family-Oriented Film, “Monday First Screening,” Showing in 100 Cinemas Nationwide on August 30th

    NET25 Films proudly presents its inaugural cinematic masterpiece, “Monday First Screening,” a heartwarming and captivating tale that transcends generations and bring families closer.     This highly anticipated movie, designed to resonate with every member of the family, is set to light up screens nationwide starting August 30th.     “Monday First Screening,” is a […]