• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas marami sanang namatay na health workers kung hindi bumili ng medical supplies ang pamahalaan mula sa Pharmally- Sec. Roque

SINABI ng Malakanyang na mas marami sanang namatay na health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic kung hindi bumili ang gobyerno ng medical supplies mula Pharmally Pharmaceutical Corporation.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bilang pagdepensa sa naging desisyon ng pamahalaan na bumili ng medical supplies mula Pharmally, ilang araw matapos na aminin ni Krizle Mago ng Pharmally sa isinagawang Senate committee hearing na pinalitan nila ang expiry dates ng face shields na binili ng pamahalaan para sa mga health workers.

 

“Kung hindi natin ‘yan binili, mas marami sanang health workers na ang nasawi dahil sa COVID-19,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Even one life saved for billions we spent was well worth it because the Filipino is worth spending for,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na ang Department of Health ay nagbigay ng clearance na ang face shields ay alinsunod sa World Health Organization standards.

 

“Kung totoo po ‘yun (Mago’s claims), dapat panagutin. Maliit lang naman ang halaga ng face shield,” ayon kay Sec. Roque.

 

“What is most important here is kahit kelan pa minanufacture, lahat po ‘yan nagamit ng health workers at naging dahilan para maisalba ang buhay ng medical frontliners,” dagdag na pahayag nito.

 

Bago pa nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado ukol sa pagbili ng pandemic supplies mula Pharmally, ang local manufacturers ay umapela sa pamahalaan na bumili ng kanilang produkto lalo pa’t ang pamahalaan naman ang nagsabi na gawing makabuluhan ang kanilang resources para sa COVID-19 response.

 

Pinanindigan naman ni Sec. Roque na ang Senate probe ay tungkol sa “grandstanding.”

 

“This is in aid of election,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Samantala, ang Senate blue ribbon committee ay naghahanap ng di umano’y overpriced pandemic items na binili ng pamahalaan noong nakaraang taon. (Daris Jose)

Other News
  • HERBERT, nag-apologize na kay KRIS dahil sa kanyang ‘di tamang ‘TOTGA’ post na burado na rin

    NAG-APOLOGIZE ang aktor at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista dahil aminadong hindi tama ang kanyang pinost na lumalabas na patungkol kay Queen Of All Media Kris Aquino.     Burado ang naturang post pero marami na nakapag-screenshot kaya patuloy itong kumalat     Post ni Bistek na kumakandidatong senador,     […]

  • Terence Crawford, looking forward pa rin na makaharap si Pacquiao

    Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si reigning WBO world welterweight champion Terence Crawford na makaharap si Pinoy boxing champion Manny Pacquiao.   Sinabi nito ng kung hindi lamang sa naranasang coronavirus pandemic ay natapos na ang kontrata.   Sakaling hindi aniya siya mapili ng fighting senator ay handa itong harapin ang sinumang nasa 147 […]

  • Maine, pinusuan ng netizens ang pinost na photo collage nila ni Arjo

    PINUSUAN ng netizens ang IG post ni Maine Mendoza sa pagbati ng, “happy birthday” na may kasamang heart Arjo Atayde na nag-30 na noong November 5.   Halos umabot sa kalahating milyon ang milyo ang nag-like sa post ni Maine na may kalakip na nakakikilig at nakatutuwang photo collage nila ni Arjo.   Ilan sa […]