Mas maraming eco activities, asahan sa Metro Manila Subway Project- PBBM
- Published on October 4, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na asahan na ang mas maraming economic activities sa Metro Manila Subway Project.
Pinangunahan kasi ni Pangulong Marcos Jr. ang ground breaking ceremony para sa pagtatayo ng Ortigas at Shaw Boulevard stations ng Metro Manila Subway Project (MMSP- COntract Package 104) sa Pasig City.
Umaasa ang Pangulo na mage-enjoy ang mga mamamayang Filipino sa benepisyo ng nasabing proyekto.
“With accessible designated stations that can cater to a massive volume of passengers, we anticipate helping our people skip the long lines of traffic and even spare themselves from the perils of commuting,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang keynote message.
“With improving linkages of key areas in business districts in the metro as well as the availability of stalls and other stores in the stations and nearby markets, we can see more business opportunities for entrepreneurs and investors and additional economic activity,” dagdag na wika ng Pangulo.
Hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang publiko na manatiling positibo at sa halip ay tanggapin ang inconveniences na dala ng pagtatayo ng subway system bilang “small prize to pay” para sa beneficial results nito.
“Although it is a given that the construction of these structures will take time and cause disruption, let us be optimistic and just count the small inconveniences as a small prize to pay for the fruitful results that this program, this project will yield,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Let the breaking ground of this subway system signal our intention to the world to pursue even grander dreams and more ambitious endeavors that will bring comfort and progress to our people all over the country,” aniya pa rin.
Samantala, inilatag naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang “highlights” ng buong MMSP, ang kauna-unahang underground railway system ng bansa na tatakbo mula Valenzuela hanggang Bicutan, o mahigit sa33 kilometers, na may 17 stations.
Ayon kay Bautista, ang MMSP ang magsisilbing “crown jewel” ng mass transit infrastructure system ng bansa sa oras na matapos na ito.
“We are running at full speed on this project. We owe it to the commuting public,” ani Bautista.
Ang subway, sa oras na maging operational, ay kayang mag- accommodate ng mahigit sa 519,000 pasahero kada araw.
Mababawasan na nito ang travel time mula Valenzuela hanggang Bicutan ng 45 minuto.
Ang groundbreaking ceremony ang magiging senyales ng pagsasara ng bahagi ng Meralco Avenue sa Pasig City – mula Capitol Commons hanggang Shaw Boulevard – kung saan ang traffic ay magiging ‘rerouted’ simula Oktubre 3, 2022 hanggang 2028 upang bigyang daan ang nasabing konstruksyon.
Ang kabuuang contract package ay 3.4 kkilometers long na may dalawang stations na konektado sa 920.5-meter tunnel at extended pa hanggang 1.86-kilometer tunnels na kumokonekta naman sa Shaw Blvd hanggang Kalayaan Avenue Station sa Taguig City.
Ang MMSP ay suportado ng loans ng PIlipinas mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).
“The tunnel will be formed using two huge tunnel boring machines (TBM) from Japan, using a technique called New Austrian Tunneling Method (NATM),” ayon sa ulat.
“Each TBM to be used in the project can excavate 300 to 500 cubic meters of soil daily and creates a tunnel 9 to 12 meters long daily, using rotating cutting wheels that can easily break up hard soil and rocks. While the massive TBMs can significantly hasten the process of tunneling, above ground disruption will be kept to the minimum,” ayon pa rin sa ulat. (Daris Jose)
-
Pinatunayan lang na girl na girl at may ‘matres’ Pagbubuntis ni ANGELICA, maraming natuwa at isa na si JUDY ANN
NAPAKARAMI talagang naging masaya sa pagbubuntis ng actress na si Angelica Panganiban. Na para bang kahit biruan lang, na-prove na may “matres” nga siyang talaga at hindi siya “bakla.” Mukhang isa ang kaibigan at “ate” talaga ang turing ni Angelica na si Judy Ann Santos sa nakaalam agad na buntis siya. […]
-
Trabaho ng Equestrian PH, patuloy lang – Coscoluella
PATULOY na itataguyod ng Equestrian Philippines ang sport kahit na may ibang sports association na kinikilala ang Philippine Olympic Committee (POC). Sa katunayan ay kumakayod ang EquestrianPH upang makadiskubre pa rin at makapagkaloob ng tamang pag-eensayo para sa mga international champions gaya na nina Marie Antointte ‘Toni’ Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia. […]
-
DepEd, naglaan ng P1-B na pondo para sa expansion phase ng limited F2F classes
NAGLAAN ng humigit-kumulang isang bilyong piso ang Department of Education (DepEd) bilang support funds para sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones na ito ay bilang paghahanda ng kagawaran para sa mas dumarami pang mga paaralan na nakatakdang lumahok sa progressive expansion ng limitadong face-to-face classes […]