Mas mataas na singil sa kuryente, nakaamba ngayong Mayo
- Published on May 12, 2023
- by @peoplesbalita
MAY nakaambang pagtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan, bunsod na rin ng inaasahang pagtaas ng power prices mula sa wholesale electricity spot market at iba pang suppliers.
Ayon kay Manila Electric Co. (Meralco) spokesperson Joe Zaldarriaga, may bagong gastusin na idaragdag sa power rates na maaaring mag-reflect ngayong May billing.
Tinukoy ni Zaldarriaga ang natitirang tranche na P0.20 kada kilowatt-hour (kWh) mula sa March increase sa generation charge, na hinati para sa buwan ng Abril at Mayo, gayundin ang pagsasama ng P0.04/kwh na increase sa universal charge simula ngayong buwan.
Bukod dito, mayroon din aniyang posibilidad na tumaas ang presyo ng kuryente mula sa spot market dahil sa pagtaas ng demand at mga unscheduled shutdowns.
Ani Zaldarriaga, iaanunsiyo nila ngayong Huwebes ang magiging pinal na adjustment sa presyo ng kuryente.
Tiniyak din naman ni Zaldarriaga na maghahanap ang Meralco ng mga paraan para mabawasan ang naturang posibleng pagtaas. (Daris Jose)
-
Nilinaw na ng kanilang management: JENNYLYN, ‘di lilipat sa ABS-CBN at na-hack ang account ni DENNIS
NAGDULOT nga ng kontrobersiya ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa mga Kapamilya fans. Tungkol ito sa naging sagot niya sa katanungan ng netizens tungkol sa pagkawala ng kanyang asawa na si Jennylyn Mercado sa newest GMA Network Station ID at malakas daw ang tsika na lilipat sa ABS-CBN. […]
-
FAVORITE K-ACTORS CAST LED BY DON LEE IN THE HYPER ACTION-COMEDY ‘THE ROUNDUP: PUNISHMENT’
THE Roundup: Punishment follows three years after the synthetic drug case roundup in Korea, beast cop Ma Seok-do (Don Lee) and Metro Investigations are busy chasing down criminals who are dealing drugs through a delivery app, when the app distributor is found dead overseas. The team soon realizes that this case involves a huge illegal […]
-
Pinas, US, muling sisimulan ang joint patrols sa South China Sea
MULING magsasanib-puwersa ang Pilipinas at Estados Unidos pagdating sa mga joint naval patrols sa South China Sea. Kasunod ito ng pagbibigay sa Amerika ng mas malawak na access sa mga miltary base ng Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). “The United States and the Philippines have agreed to […]