• March 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas maunlad na ekonomiya, asahan sa Alert Level 1

NANINIWALA  si Taguig Mayor Lino Cayetano na sa paglalagay sa Alert Level 1 sa Metro Manila ay hindi lamang new normal ang dapat asahan, kundi ang mas mainam na kinabukasan para sa ekonomiya.

 

 

Maibabalik aniya, ang buhay ng ekonomiya, kahit hindi naman agad-agad basta magtiwala lamang ang mga kababayan, Dapat aniya, na maging matapang na lumabas basta tiyakin na nakasuot ng face mask, bumiyahe kung bakunado, buksan na ang mga paaralan para makabalik sa kolehiyo ang mga estudyante, magsimula ng ibang negosyo at kumuha ng mga bagong empleyado.

 

 

Kabilang si Cayetano sa 17 alkalde na kabuuan ng Metro Manila Council (MMC) na lumagda sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution 22-06 na nagrekomenda sa  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­seases (IATF-EID) na isailalim na ang National Capital Region sa Alert Level 1 simula Marso 1. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads October 18, 2023

  • “MAGIC MIKE’S LAST DANCE” REUNITES OG TEAM FOR TRILOGY’S FINALE

    TEN years after “Magic Mike” surprised audiences, star Channing Tatum and the original filmmaking team have reunited—this time in Miami and London—to catch up with Mike Lane in “Magic Mike’s Last Dance.”       Director Steven Soderbergh is back at the helm, with producer and writer Reid Carolin returning to pen the script, which […]

  • 3.2-M estudyante naka-register na para sa susunod na school year – DepEd

    Halos 3.2 milyong mag-aaral na ang naka-rehistro para sa school year 2021-2022 base sa lastest data na hawak ng Department of Education (DepEd).     Batay sa Early Registration Monitoring Report, may kabuuang 3, 227, 244 learners mula sa 17 rehiyon sa buong bansa ang nakiisa sa nagpapatuloy na registration ng DepEd para sa nalalapit […]