• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Masasagot na rin ang estado ng relasyon nila: HEART, kinumpirma na sa ‘Pinas magba-Bagong Taon kasama si Sen. CHIZ

KINUMPIRMA ni Heart Evangelista via social media na sa Pilipinas siya mag-celebrate ng New Year kasama ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero.

 

 

Sa isang Instagram update, nabanggit nga ni Heart sa caption na uuwi siya para makasama si Chiz sa Bagong Taon: “Living between 2 worlds Paris and Manila. 2 clocks in one @philipsteinph walking around Paris before heading home for New Year. Ps. See you soon @escuderochiz.”

 

 

Dahil sa post na ito ni Heart, nasagot na rin ang katanungan ng marami tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Chiz.

 

 

Noong September nagsimula ang usap-usapan ng mga marites na pauwi na sa hiwalayan ang pagsasama nila Heart at Chiz. Ginawang dahilan ng mga marites ang laging pag-alis ni Heart ng bansa at ang pag-drop nito ng Escudero sa kanyang social media accounts.

 

 

Minsan ding nakita ang pag-iyak ni Heart sa isang photo shoot at hindi rin daw binati ni Heart ang mister noong kaarawan nito.

 

 

Pero in fairness to Heart, wala itong binigay na anumang statement na may problema sa pagsasama nila ni Chiz. Tahimik lang siya at pinabayaan niyang mag-assume ang mga asumera at mga chismoso’t chismosa sa social media.

 

 

Sa pagbalik ni Heart sa Bagong Taon, umaasa ang marami na sabay sila ni Chiz na magsalita tungkol sa kanilang pagsasama.

 

 

***

 

 

ISA sa big highlights ng buhay ni Jason Abalos ngayong 2022 ay ang magpakasal sila ng long-time girlfriend niyang si Vickie Rushton.

 

 

Kaya sa pagpasok ng 2023, baby naman daw ang gusto ni Jason mula kay Vickie.

 

 

Sa latest post ng aktor sa Instagram, ito ang nakalagay: “Last year’s Christmas post na gamit yong picture namin sa marriage banns vs ngayon Mr. and Mrs na, ang daming nangyari na dapat ipagpasalamat sa taas, yong pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin baka next year may cute na naka singit na sa gitna 🙂 Maligayang pasko sa ating lahat 🙂 pagmamahal sa bawat isa.”

 

 

Noon pa naman sinasabi ni Jason na gusto niyang magkaroon ng maraming anak kaya nagpatayo siya ng malaking bahay na maraming kuwarto para sa future kids nila ni Vickie.

 

 

Kinasal sina Jason at Vickie noong September sa San Antonio De Padua Parish Church in Nasugbu, Batangas. Kabilang pa sa pinapasalamat ng aktor sa taong ito ay noong manalo siya bilang provincial board member ng Nueva Ecija noong nakaraang May elections at ang maging Navy Reservist sila ng kanyang misis noong November.

 

 

Walang banggit si Jason kung may gagawin ba siyang bagong teleserye sa GMA. Huli niyang teleserye ay ang ‘Tres Hermanas’.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • NABIGAY ng ayuda sa mga mangingisdang Navoteño ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List

    NABIGAY ng ayuda sa mga mangingisdang Navoteño ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List sa pangunguna ni Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Avorque Acidre. Nasa 1000 benepisyaryo ang nabigyan ng tig-P5000 sa ilalim ng AICS habang 50 naman ang nabigyan ng 22-footer na bangka na mayroong 16hp engine, lambat, at […]

  • Transport News DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.     Sa isang simpleng programa, sinabi […]

  • Gobyerno, naglaan ng P3B para sa rehabilitasyon, modernisasyon ng 8 airports sa bansa

    TINATAYANG 8 paliparan sa buong bansa ang makatatanggap ng pondo sa ilalim ng  2023 national budget para isailalim sa rehabilitasyon at pagsasaayos.     Sa kalatas na ipinalabas ng Department of Budget and Management (DBM), sinabi nito na ang  paglalaan ng pondo ay nakaayon sa implementasyon ng  8 airport projects na nakapaloob sa ilalim ng  […]