• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mask-wearing outdoors, dapat na ‘opsyonal’- Concepcion

DAPAT na maging opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings.

 

 

Sinabi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, nais niyang mag- exit o lumabas na ang Pilipinas sa “state of public health emergency.

 

 

“I think wearing of face masks outdoors should now be optional, but it should remain mandatory in indoor situations especially in public transport,” ayon kay Concepcion.

 

 

Naniniwala si Concepcion na ang mamamayang filipino ay makagagawa na ng “informed decisions” para protektahan ang kanilang mga sarili mula sa virus.

 

 

Sa kanyang suhestiyon, itinutulak ni Concepcion na mabawi na ang state of public health emergency upang “promote confidence among the population” kasunod ng naging hakbang ng Centers for Disease Control and Prevention na ilagay ang bansa sa ilalim ng pinakamababang travel-risk warning classification.

 

 

“It would be just the right time as all over the world, economies are starting to resume normal activity,” ayon kay Concepcion.

 

 

“We should focus on job creation, opening up all areas, resuming in-person classes, and encouraging people to go back to work,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Freeze order sa bank accounts at property ni Pastor Quiboloy, pinalawig pa ng CA – KOJC legal counsel

      PINALAWIG pa umano ng Court of Appeals ang inisyung freeze order sa bank accounts, ari-arian at iba pang assets ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.       Ito ang kinumpirma ng legal counsel ng KOJC na si Atty. Dinah Tolentino-Fuentes sa isang press conference sa Davao city ngayong araw ng […]

  • Ex-CamSur Rep. Rolando Andaya patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang kwarto

    PATAY na nang matagpuan si dating Camarines Sur 4th District Representative Rolando “Nonoy” Andaya Jr., 53, residente ng Saint Jude Orchard, Concepcion Grande, Naga City.     Ito rin mismo ang kinumpirmang mga anak ng biktima sa pamamagitan ng Facebook post.     Gayunman hindi binanggit ng mga ito kung ano ang ikinamatay ng ama. […]

  • Matapos na pula-pulaan ang ipinamigay na mga gulay: ANGELU, ‘di pinalampas ang nam-bash sa kanyang birthday community pantry

    HINDI nga nakaligtas sa pambabatikos ang actress-councilor ng Pasig City na si Angelu de Leon na kung saan nakunan na namimigay ito ng mga gulay sa kanyang contituents.       Ayon sa isang netizens, namimigay si Konsi Angelu para panoorin ang GMA series na kinabibilangan niya, ang Pulang Araw.       Sa post […]