• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mass protest sa LRT-1 fare hike nakaamba

NAGBABALA si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) sa nakaambang ‘massive protest actions’ kung hindi ipatitigil muna ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang P5-P10 taas pasahe sa Light Rail Transit (LRT) 1.

Ito’y kasunod ng inianunsyo ng LRMC na simula Abril 2, ang pinakamaikling LRT-1 trip ay P20 ­(dating P15) habang ang pinakamahabang biyahe ay P55 (dating P45).

Ayon kay Cendaña, ang hinihingi ng mga commuters ay i-extend ang operating hours ng LRT-1 pero ang ibinigay o itinugon umano ay dagdag pasahe at pasakit.

Nitong nakalipas na linggo ay inimbitahan ng Akbayan Partylist ang bagong talagang si DOTr ­Secretary Vince Dizon para sa dayalogo sa pangunahing mga isyu sa transportasyon ng mga commuters.

“Kung ico-compute, 200 to 400 pesos ang madaragdag sa monthly expenses ng ating mga commuter. Hindi makatao at maka-commuter ang ganitong uri ng polisiya,” dagdag ni Cendaña.

Other News
  • 2025 budget, halos P10 billion para sa HMO benefits ng mga manggagawa ng gobyerno

    KABILANG sa P6.35-trillion na panukalang national budget para sa 2025 ay ang alokasyon na nagkakahalaga ng halos P10 billion para sa health maintenance organization (HMO) benefits para sa mga manggagawa ng gobyerno.     “It’s almost P10 billion, or P7,000 per employee. Per year po. Because we [government workers] do not have health maintenance,” ayon […]

  • Pang-anim na suspek sa pagpatay sa estudyante sa Valenzuela, timbog

    Nasakote na rin ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang pang-anim na suspek sa pagpatay sa isang 17-anyos na grade 9 student sa naturang lungsod noong June 19, 2019.     Kinilala ang suspek na si Darryl Dela Serna, alyas ‘Teroy’, 25, na naaresto ng mga operatiba ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section […]

  • Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19

    Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.     Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.     Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito […]