MASSAGE PARLORS, TUTUTUKAN SA HUMAN TRAFFICKING
- Published on March 3, 2022
- by @peoplesbalita
TUTUTUKAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga massage parlors na sangkot sa human trafficking ngayon na ang Metro Cebu ay gumaan ang quarantine restrictions .
Ito ay bunsod sa pagkakaaresto ng NBI field office sa Mandaue City ang tatlong personalidad kasunod ng simultaneous counter-human trafficking operation isa dalawang massage parlors sa kahabaan ng H. Cortes Street sa nasabing lungsod kung saan nasagip naman ang 20 kababaihang therapists.
Sinabi ni Arnel Pura, NBI director ng Mandaue City office, na ang kanilang sentral na tanggapan ay may mga tiyak na tagubilin upang ilagay ang mga posibleng hotbed ng human trafficking sa Metro Cebu sa ilalim ng surveillance.
“Human trafficking is one of the primary jurisdictions where the NBI can conduct investigation and operation. In line with this mandate, Central Visayas regional office and Cebu district office agents and operatives conducted a counter-human trafficking operation last February 24, involving operations of two massage parlors,” ayon pa kay Pura .
Ayon sa ulat, ang dalawang establisimento ay nag-e-empleyo ng babaeng therapists ngunit nalaman ng mga sumunod na imbestigasyon na ang lugar ay para sa prostitusyon.
Aniya, nagpapatakbo sila bilang mga massage parlor ngunit isa talaga silang prostitution den kung saan ang mga biktima ay inalok para sa sekswal na aktibidad kapalit ng pera.
Nalaman din ng NBI na dalawang establisyimento ang kumokolekta ng P1,700 bilang fee para sa services ng isang attendant na ayon kay Pura ay malayo sa ordinaryong massage fee na P300 hanggang P500.
Dagdag nito, natukoy na ang may-ari ng dalawang massage parlors na ngayon ay iniimbestigahan na at posibleng makasuhan ng paglabag sa Republic Act 9208, o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Nasa kustodiya naman ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) Central Visayas field office facility for women ang mga nasagip na kababaihan na nasa edad 20 hanggang 30. (GENE ADSUARA)
-
NIGERIAN NATIONAL NA SANGKOT SA CYBER CRIME, IKINUSTODIYA NG BI
HAWAK na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national na nauna nang naaresto at ikinulong dalawang taon na ang nakararaan dahil sa pagkakasangkot sa credit card fraud and cyber-crime activities. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ng BI’s fugitive search unit (FSU) ang Nigerian national na si Emmanuel Obi […]
-
Pinakamababang reproduction number sa NCR, naitala
Nakapagtala na ang National Capital Region (NCR) ng 0.55 reproduction number na siyang pinakamababa mula noong Mayo, ayon sa OCTA Research Group kahapon. Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na noong Mayo 18, nakapagtala ang rehiyon ng 0.58 reproduction number saka nagtuluy-tuloy sa pagtaas. Ang reproduction number ay ang bilang […]
-
Mga laro sa Major League Baseball tuloy na
Inilabas na ang Major League Baseball (MLB) ang mga schedule ng laro ngayong 2020 season. Magsisimula ang nasabing laro sa July 23 matapos ang ilang buwang pagkaantala dahil sa coronavirus pandemic. Unang sasabak agad ang World Series champion Washington Nationals laban sa New York Yankees. Makakaharap naman ng Los Angeles Dodgers ang […]