• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MATAAS ANG KASO NG COVID PERO BUMABA ANG SEVERE AT CRITICAL

BAGAMA’T tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa maraming lugar sa bansa, bumababa naman ang severe at critical cases, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).

 

 

 

Gayunman, aminado si treatment czar at DOH Usec Leopoldo Vega na tumaas ang COVID cases sa Region 2,3, 4A, NCR , 7 at 10.

 

 

 

Tumaas naman sa 72%  hangang 73%  ang COVID intensive care unit o ICU  utilization o paggamit ang paggamit ng ICU.

 

 

Aniya ang Metro Manila ay nasa moderate risk pero hindi naman ganun kadami ang pasyente  kung ikukumpara sa nakaraaang wave na kung saan napupuno ang ICU.

 

 

 

Sinabi ng opisyal na maaring ito ay  dahil sa bakuna at pinag-igting na mga pag-iingat at mga hakbang.

 

 

“Tumataas ‘yung kaso pero yung severe, critical cases po eh nasa 1.86%  compared ho sa mga 3-4% na dati talagang dumadaan na wave , kaya medyo  siguro  pwede natin ma-speculate na baka nga namang ano na’to, ito na yung dahilan dahil sa bakuna at sa talagang ano natin intensified preventive aspects”pahayag pa ng treatment czar.

 

 

Dagdag pa nito, kung titignan ang active cases, 98% ang mild, asymptomatic at moderate cases.

 

 

 

Nasa 92% naman ang gumaling na sa COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 35) Story by Geraldine Monzon

    HINDI naabutan ng mag-asawa si Andrea sa bahay kung saan ito namamasukan bilang kasambahay. Pero nalaman naman nila sa guard kung saan ito nagtungo kaya sinundan nila ito.   Sa Villa Luna Subdivision sa harapan ng dati nilang tahanan na nakapinid ngayon bakas ang pinagdaanang trahedya ay naabutan nila ang isang dalagang nakatalikod at matamang […]

  • ANG BUMBERO NG PILIPINAS PARTY LIST, UMARIBA NA

    UMANGAT na sa  ikalabing- apat na pwesto ang ‘Ang Bumbero ng Pilipinas  (ABP) Party List  batay sa isinagawang survey ng isang market research company  para sa 2025-Pre Election Preferential Survey. Ayon sa resulta ng survey na  isinagawa ng Tangere mula Pebrero 11 -14, nakakuha ng 1.68 percent ang  Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist na […]

  • Jesus; John 15:4

    Live in me and I in you.