• July 8, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mataas na death rate na nai-record ng DOH ng nagdaang Marso at Abril na namatay dahil sa COVID

INIHAYAG ng mga eksperto na maliban sa mga matatanda at mga tinaguriang may commorbidities ay kasama ang mga nagpalipas pa muna ng ilang mga araw bago magpatingin sa duktor ang dahilan ng mataas na death rate na nai-record ng DOH ng nagdaang Marso at Abril na namatay dahil sa COVID 19.

 

Sinabi ni Dr Althea de Guzman ng DOH Epidimology Bureau na may mga indibidwal kasi na pina- abot pa ang isang linggo bago magpakonsulta bagama’t may nararamdaman ng kakaiba na maaaring maiugnay sa COVID 19.

 

Sa regular briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay sinabi ni de Guzman na may pagkakataon namang hindi na sana tumaas pa ang naitatalang namamatay at ang isang paraan ay ang pagiging maagap sana sa pagpapatingin sa duktor.

 

Aniya, nakapagtala sila ng average na 46 percent ng mga namatay noong nakaraang buwan habang mula Abril a – uno hanggang a- onse naman ay nakapag-tala sila ng average 41 deaths per day.

 

Sinabi nito na hindi pa naman ito abot sa peak na naitala noong Agosto ng nakaraang taon na pumalo sa average 68 deaths per day. (Daris Jose)