Mataas na employment rate, patunay ng economic momentum
- Published on January 11, 2023
- by @peoplesbalita
NANINIWALA ang isang kongresista na isang patunay ng economic momentum o pagsipa muli ng ekonomiya ang naitalang pagtaas sa employment rate ng bansa noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon.
Sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, malaking tulong dito ang pagbabalik ng face-to-face activities at consumer spending.
Pinaka-positibo si Salceda sa naitalang year on year increase na 980,000 jobs sa manufacturing sectors.
Isa kasi ito sa senyales na talagang lumalago at sumigla na muli ang ekonomiya ng bansa.
Pinatututukan naman ng ekonomistang mambabatas ang sektor ng construction at fisheries na nagkaroon ng pagbaba.
Batay sa report, nagkaroon ng 530,000 year on year job loss sa pangingisda habang 392,000 na trabaho ang nawala sa construction.
-
Ads September 2, 2024
-
LEE SEUNG GI, pinakikiusapan ng nagulantang na ‘Knetz’ na hiwalayan na si LEE DA IN after na maglabas ng official statement
ANG South Korea’s Superstar na si Lee Seung Gi ay ginulantang ang lahat, lalo na ang kanyang mga tagahanga dahil sa lumabas na balita at mga paparazzi pictures mula sa Dispatch na “dating” na ito sa isang 5 years younger sa kanyang Korean star na si Lee Da In. Pagkalabas ng breaking news noong […]
-
CREMATORIUM FACILITY, NASUNOG
NASUNOG ang isang single storey crematorium facility sa Manila North Cemetery Martes ng madaling araw. Ayon sa Bureau of fire protection umabot sa unang alarma ang sunog. Tinatayang aabot sa P20,000 ang pinsala ng sunog at wala namang nasaktan sa insidente. Nagsimula umano ang sunog sa kanang gitnang bahagi ng human […]