• April 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos ang pagbisita ni PBBM sa Japan… Speaker Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa

SPEAKER Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa matapos ang pagbisita ni Pang. Marcos Jr. sa Japan

 

 

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga mumuhunan at negosyante mula Japan na nais magtatag ng negosyo sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Romualdez, ‘overwhelmed’ ang Pangulo dahil, hindi lang mga dati nang kumpanya ngunit may mga bago rin na nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas.

 

 

” So I don’t see why we won’t be getting a deluge or kumbaga tsunami talaga of investments and expansion of business opportunities,” wika ni Speaker Romualdez.

 

 

Patunay aniya dito ang 35 kasunduan at letters of intent na nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Ibinahagi rin ni Speaker, nasa 1,500 na Japanese business firms pa ang nais dumalo sa naturang pulong ngunit hindi na magkasya sa venue.

 

 

Dagdag pa ng House leader, nakatulong ang presensiya ng mga economic managers para masagot ang ilan sa katanungan ng potential Japanese investors at makuha ang kanilang tiwala.

 

 

“We met with various sectors in business community. And the whole length and breath of the industry. The President had engagements with them. He was fielding all questions on all their concerns, whether they be on tax issues, incentives, tariffs, anything that mattered. And we have the economic managers in tow. So they were immediately available to address these concerns, ” ani Romualdez.

 

 

Ibinunyag din ni Romualdez ang ulat mula sa Department of Finance at Department of Trade and Industry, na maraming Japanese businessmen ang nagpahayag ng interes na makilahok sa mga aktibidad ng Pangulong Marcos Jr., sa kanyang pagbisita sa bansang Japan.

 

 

Isa dito ang isang Japanese firm ang nakipag partner sa Aboitiz na magdadala ng mga bagong teknolohiya sa bansa para sa bagong power sources.

 

 

Nagpahayag din ang nasabing kumpanya na mag invest ng $1.5 billion sa energy sector ng bansa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Weeklong ECQ sa ‘NCR Plus’

    Tiniyak ng pamunuan ng National Task Force Against Covid-19 (Coronavirus Disease 2019) na magiging “compassionate” ang mga otoridad sa pagpapatupad ng curfew sa weeklong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR (National Capital Region) Plus Bubble na magsisimula ngayon, March 29, hanggang sa Easter Sunday, April 4.     Ayon kay National Task Force Against Covid-19 […]

  • PDu30, tinawag na sinungaling si VP Leni Robredo

    TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na isang  “sinungaling”  nang hanapin siya nito  pagkatapos manalasa ang  bagyong Ulysses.   Tila ipinamukha ng Pangulo kay Robredo  na dumalo siya sa  ASEAN Summit online nang umatake ang kalamidad.   Sa public address ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay inakusahan nito si […]

  • Magsayo bagong Pinoy world champ

    MAY bagong world champion ang Pilipinas sa ngalan ni Mark Magsayo.     Naitarak ni Magsayo ang majority decision win upang hubaran ng korona si Gary Russell Jr. at matagumpay na maagaw ang World Boxing Council (WBC) featherweight title kahapon sa Borgata Atlantic City sa New Jersey.     Dalawang hurado ang pumabor kay Magsayo […]