Matapos dumating ang halos 1-M doses pa na Pfizer sa PH
- Published on November 2, 2021
- by @peoplesbalita
Nakatanggap muli ang bansa ng nasa halos isang milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa kompanyang Pfizer.
Pasado alas-8:00 kagabi ng dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang 976,950 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.
Aabot na sa mahigit 100-million na COVID-19 vaccine ang kabuuang natanggap na ng gobyerno.
Sinalubong ito ni vaccine czar Carlito Galvez Jr at ilang mga opisyal ng Department of Health.
Sa nasabing bilang ay posibleng mapataas na ang dami ng mga mababakunahan sa bawat araw.
Sa buwan pa kasi ng Nobyembre ay inaasahan ang pagdating ng karagdagang 25 milyong doses ng COVID-19 vaccines. (Daris Jose)
-
VHONG NAVARRO SUMAILALIM SA PROSESO
PERSONAL na sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) at sumailalim sa proseso ang TV host na si Vhong Navarro. Kasama rito ang finger printing, mugshot at pagkuha ng kanyang personal na detalye. Ito ay matapos magpalabas ang Taguig Metropolitan Trial court Branch 116 ng warrant of arrest laban […]
-
2 pang quarantine facilities binuksan ni Yorme Isko
MAY dalawa pang quarantine facilities ang binuksan, kahapon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bilang paghahanda sa posibleng 2nd wave ng COVID19 sa Maynila. Ayon kay Moreno,kasama niya si Vice Mayor Honey Lacuna sa inagurasyon ng pinalawak na San Andres Sports Complex quarantine facility, na susundan pa ng pagbubukas ng katulad ding pasilidad […]
-
State of calamity sa COVID-19, palawigin – DOH
KAILANGANG mapalawig ang state of calamity sa COVID-19 para maipagpatuloy ang pandemic response sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na hihingi sila ng extension ng state of calamity ng hindi bababa sa isa o dalawang buwan, kung hindi maisasabatas ang Center for Disease Control […]