Matapos kumalas ang kapatid na si reelectionist Senator Imee Marcos sa slate:
- Published on April 7, 2025
- by @peoplesbalita
KAPANSIN-PANSIN na nagbago ang tono ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-endorso sa kanyang senatorial slate matapos na tuluyang kumalas ang kanyang kapatid na si reelectionist Senator Imee Marcos mula sa ticket. nnSa mga nakalipas na campaign rally kasi ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, palaging nagtatapos ang talumpati ng Pangulo sa “Labingdalawa, Alyansa!” nn nnSubalit sa campaign rally sa ANTIPOLO, Rizal, ang naging sigaw ng Pangulo ay “Alyansa all the way!” nn“Kaya sa Mayo po, ‘wag na kayong magdalawang isip. Alyansa all the way! Alyansa sa bagong Pilipinas!” ang sinabi ni Pangulong Marcos.nnIto ang kauna-unahang campaign rally simula nang kumalas si Imee Marcos sa administration slate.nn nnMatatandaang, sinabi ni Imee Marcos na ang ginawa ng administrasyon sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan nang tuluyan niyang pagkalas sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang kowalisyon na ini-endorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Marcos.nnSinabi ni Imee Marcos na hindi na niya kayang mangampanya at tumuntong sa iisang entablado kasama ang iba pang kasapi ng Alyansa.nn nnSinabi ni Marcos na may mga natuklasan siya na ginawa ng administrasyon tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na salungat sa kanyang mga paninindigan at prinsipyo.nnAyon pa kay Marcos, mananatili siyang independent sa pagtakbong muli sa Senado.nnSamantala, muli namang inulit ni Alyansa sa Bagong Pilipinas campaign manager at Navotas City Rep. Toby Tiangco ang kanyang mensahe kay Imee Marcos, “Senator Imee has decided na hindi na po siya sasama sa Alyansa, and we respect her decision and wish her luck.” nn nn“Kami naman tuloy-tuloy lang po ‘yong kampanya namin, para ipakita tulad ng sabi ko kanina ‘yong kakayanan namin, ‘yong kwalipikasyon ng aming labing-isang kandidato na makikita naman kapag pinagkumpara ‘yong track record which is very important, ‘di ba?” ang sinabi pa rin ni Tiangco. (Daris Jose)
-
Ads April 20, 2024
adsapr_202024
-
NCR, hindi pa handa na isailalim sa “normal” GCQ- Sec. Roque
HINDI pa ito ang tamang panahon o maituturing na “bubot” pa para isailalim sa “least restrictive” Modified General Community quarantine (MGCQ) status ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malabo pang isailalim sa “ordinary” GCQ ang NCR Plus o ang Metro Manila, […]
-
Kasama ang blue dress na ginamit sa 60th Bb. Pilipinas: PIA, ipapa-auction ang mga gown na sinuot sa Miss Universe 2015
IPAPA-AUCTION ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga gown na sinuot sa kanyang journey bilang Miss Universe titleholder. Kinumpirma ito ni Pia pagkatapos ng kanyang judging stint sa Binibining Pilipinas 2024. On Instagram, pinasalamatan ni Pia ang local designer Mark Bumgarner para sa blue dress na sinuot niya sa Bb. […]