Matapos matanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC)… Malakanyang kinumpirma pag-aresto kay ex-PRRD
- Published on March 12, 2025
- by Peoples Balita
KINUMPIRMA ng Palasyo ng Malakanyang ang pag-aresto kay dating Pangulo Rodrigo Duterte kahapon ng umaga, Martes.
Ito ay matapos matanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bandang alas-9:20 ng umaga, Martes, March 11, 2025, nang dumating sa bansa ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo mula sa Hong Kong sakay ng isang commercial flight.
Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan o crime against humanity.
Pagtiyak ng PCO na ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno upang masigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan.
Ang mga opisyal ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera upang mapatunayan ang transparency sa pagsilbi ng warrant of arrest.
Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng mga kinauukulan. (Daris Jose)
-
OCTA inaasahang bababa sa 2-K COVID-19 cases kada araw sa Nobyembre
Maaring bumaba pa sa 2,000 ang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Nobyembre, ayon sa OCTA Research group. Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang average ng bagong COVID-19 cases ay bumaba sa 4,848 mula Oktubre 20 hanggang 26. Mas mababa ito kumpara sa […]
-
Mojdeh pasok na naman sa World Cup Finals
SA IKALAWANG pagkakataon, masisilayan sa finals si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa 2024 World Aquatics Swimming World Cup third leg na ginaganap sa Singapore. Muling aarriba sa finals si Mojdeh sa pagkakataong ito sa women’s 400m Individual Medley kung saan makikipagsabayan ito sa mahuhusay na tankers sa mundo. […]
-
After nang tatlong best actress para sa ’The Substance’: DEMI MOORE, lumaki ang chance na makamit ang first Oscar award
MUKHANG lumaki ang chance ni Demi Moore na manalo ng kanyang first Oscar award after niyang manalo bilang best actress sa Screen Actors Guild (SAG) Awards. Nanalo din ang 61-year old Hollywood veteran ng Golden Globe at Critics Choice Award para sa pelikulang ‘The Substance.’ Gulat si Demi nang tawagin ang name niya dahil mahuhusay […]