• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos na isilang ang anak nila ni Dennis: JENNYLYN, agaw-eksena ang na-maintain na kaseksihan

AGAW-EKSENA ang kaseksihan ni Ultimate Star Jennylyn Mercado sa media conference ng comeback series niyang ‘Love. Die. Repeat.’

 

 

Kapansin-pansin na na-maintain ni Jen ang kanyang figure matapos isilang ang kanyang pangalawang anak na si Dylan Jayde noong April 25, 202, na unang anak nila ng asawang si Dennis Trillo.

 

 

Ito ang unang beses ng aktres na humarap sa media matapos marahil ang tatlong taon. Maging sa social media, usap-usapan ang hubog ng katawan ni Jen na may suot na berdeng corset at skirt.

 

 

Ipinakita din niya sa media con ang kanyang bagong hairdo matapos magpa-hair extensions. Sa serye, maikli ang buhok ng aktres.

 

 

Karamihan sa mga komento ng netizens parang hindi raw nanganak ang 36-year-old Kapuso star dahil sa kanyang seksing pangangatawan.

 

 

***

 

 

NAGING emosyonal si Claire Castro nang mapag-usapan ang pagdududa niya sa kanyang sarili dahil sa pambu-bully ng ilang basher online.

 

 

Pero natututo na siyang mahalin ang sarili at balewalain ang mga ito.

 

 

“To be honest po, I really don’t consider myself sexy. Because of the cyberbullies, sometimes I really doubt, ‘Sexy ba ako?’ ‘Kaya ko ba ito?’ ‘Kaya ko bang umarte?'” sey ni Claire.

 

 

Ibinahagi ni Claire na pinapayuhan siya ng kaniyang “Makiling” co-stars kung paano harapin ang bullying online.

 

 

“That’s what Myrtle (Sarrosa) always tells me, sina Royce (Cabrera), sina Tun (Kristoffer Martin), ‘Bakit ka nagbabasa ng comments?’ So I really have to lessen it because I feel like I care too much about what other people think. I see other people, ‘Bakit sila wala silang basher? Bakit ako lang lagi?’ ‘Yun po ang naiisip ko,” dagdag pa ni Claire.

 

 

***

 

 

NAKAPAGDESISYON na si Britney Spears na hindi na siya babalik sa music industry, kasabay ng pag-amin na naging ghostwriter siya for two years.

 

 

Pinabulaanan din ng former Teen Pop Princess na may mga kinuha siyang songwriters para sa 10th studio album niya.

 

 

“Just so we’re clear most of the news is trash !!! They keep saying l’m turning to random people to do a new album … I will never return to the music industry !!!

 

 

“When I write, I write for fun or I write for other people !!! l’ve written over 20 songs for other people the past two years !!! I’m a ghostwriter and I honestly enjoy it that way !!! I’m so LOVED and blessed !!!” post pa niya sa social media.

 

(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Para itulak ang BIDA anti-drugs program, gamitin ang barangay assembly- Abalos

    PANAHON na para gamitin ng mga opisyal ng 42,046 barangay ang barangay assembly para makakuha ng suporta para sa anti-drug campaign ng pamahalaan.  Tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang “Buhay Ingatan, Droga Ayawan” (BIDA) program, isang  nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang illegal drugs sa […]

  • 2 sa 3 holdper na bumiktima at sumaksak sa mister, timbog

    SA kulungan ang bagsak ng dalawa sa tatlong holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na mister matapos masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City.     Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jessie”, 27, ng Kasarinlan St. Brgy. Muzon at alyas “Edison”, 20, ng Manapat St. Brgy., Tañong habang tinutugis […]

  • Pamamahagi ng ukay-ukay at feeding program sa Barangay Lawang-Bato, Valenzuela City

    PINANGUNAHAN ni Kapitan Romy Acuña ng Barangay Lawang-Bato, Valenzuela City at ng kanyang may bahay na si Kapitana Vergie Acuña, kasama ang buong konseho nito ang pamamahagi ng tinaguriang ukay-ukay na handog sa mga residente ng nasabing barangay “Agapay na walang kapalit na hinihintay” kung saan umabot sa 547 ang benepisyaryo na sinundan ng feeding […]