Matapos na makapasok ni Angeli sa ‘Black Rider’: RURU, gusto ring makatrabaho ng Vivamax starlet na si ATASHA
- Published on June 18, 2024
- by @peoplesbalita
MUKHANG feel ng Vivamax starlet na si Ataska Mercado ang makatrabaho si Ruru Madrid.
Sa programang ‘The Boobay and Tekla Show’ kunsaan kasama ni Ataska na mag-guest ang kapwa Vivamax sexy starlets na sina Angelica Hart at Julia Victoria, inamin ni Ataska na nila-like niya ang mga photos sa social media account ni Ruru.
“Hi Ruru. Ayun, naka-work mo si Angeli (Khang) baka naman ako na ‘yung next,” mensahe pa ng former child actress-turned-sexy star.
Si Ataska ay ex-girlfriend ng Sparkle artist ar panganay ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach.
***
TINANGHAL na grand champion ng Tanghalan ng Kampeon sa ‘Tiktoclock’ ang kontesera na si MC Mateo.
Tinalo ni MC ang mga nakalaban niya sa grand finals na sina Rica Maer, Shamae Mariano, at Rdee Asadon.
Napabilib ni MC ang mga hurado na kinabibilangan nila Renz Verano, Jessica Villarubin at Carl Guevarra. Naimbitahan di na maging guest judges sina Daryl Ong at Hannah Precillas.
Nagwagi si MC ng P500,000 cash at management contract sa Sparkle GMA Artist Center
***
PUMANAW sa edad na 70 ang R&B icon na si Angela Bofill noong nakaraang June 13.
Sumikat si Angela noong 1978 dahil sa unang album niya na Angie kunsaan sumikat ang singles na “This Time I’ll Be Sweeter” at “Under The Moon and Over The Sky.”
Nakagawa pa siya ng 10 more albums at naging hits ang singles niya na “Break To Me Gently”, “Angel of the Night”, “You Should Know By Now”, “Time To Say Goodbye” and “Tonight I Give In.”
Bofill became one of the first Latina singers to find success in the R&B and jazz markets. Nagkaroon siya ng sold-out concert at Avery Fisher Hall as part of the Newport Jazz Festival on June 20, 1980.
Lalong sumikat si Angela sa Pilipinas noong maka-duet niya si Sharon Cuneta sa song niyang “This Time I’ll Be Sweeter” noong mag-guest ang singer sa pelikulang Friends In Love in 1983.
In 2023, Bofill was inducted into the Women Songwriters Hall of Fame.
Born Angela Tomasa Bofill on May 2, 1954, in the Brooklyn area of New York City to a Cuban father and a Puerto Ricna mother. Nag-aral siya sa Manhattan School of Music, kunsaan nakatapos siya ng Bachelor of Music degree in 1976.
Ang cause of death ni Angela ay ‘di binalita pero alam ng publiko tungkol sa health issues nito tulad ng 2006 stroke that left her partially paralyzed.
Nawala ang ability na kumanta ni Anga after ng second stroke niya in 2007.
Bofill was married to country music artist Rick Vincent from 1984 until 1994 and they have a daughter, Shauna.
Pumanaw si Bofill sa bahay ng kanyang anak sa Vallejo, California. Her funeral will be held at St. Dominic’s Church in California on June 28.
(RUEL J. MENDOZA)
-
MOA ng EDSA busway bridge nilagdaan
Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) sa isang kasundaan sa pagitan ng mga kumpanya tulad ng SM Prime Holdings, DM Wesceslao and Associates Inc., at Double Dragon Properties Corp. para sa pagtatayo ng EDSA busway bridges. Ang mga bridges ay magkakaron ng concourse na poponduhan ng tatlong nasabing kumpanya. Ito ay magbibigay ng ligtas, […]
-
Ukrainian President Zelensky iginiit na hindi natatakot sa anumang bansa
IGINIIT ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na hindi sila natatakot sa anumang bansa. Sinabi nito na marami silang mga kaalyadong bansa na handang tumulong. Reaksyon ito sa naging anunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na tila inaampon na nila ang dalawang breakaway region ng Ukraine ang Donetsk at Luhansk. […]
-
Comelec spokesman James Jimenez, Dir. Arabe, pinasususpinde
ISINUSULONG ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rey Bulay na pansamantalang suspendehin ang dalawa nilang opisyal na may partisipasyon sa aberya sa “PiliPinas Debates 2022.” Matatandaang hindi natuloy ang naturang debate ng mga presidential candidates, matapos magkaaberya ang Impact Hub sa bayad para sa Sofitel Hotel. Partikular na pinasususpinde ni Bulay […]