• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos na umani ng papuri sa ‘Linlang’: KAILA, masusubok naman ang galing sa historial film na ‘Pilak’

UMANI ng papuri si Kaila Estada bilang isang mahusay na aktres sa online/TV series na ‘Linlang’, and this time, sa isang pelikula naman masusubok ang kanyang galing.

 

 

Sa historical film na kasalukuyang sinu-shoot ngayon na ‘Pilak’ ay unang beses na gaganap si Kaila sa isang dual role bilang babaeng nagpapanggap na lalaki.

 

 

Hindi naman raw kabado si Kaila sa pagtatawid sa naturang papel dahil may acting coach raw sila sa set na siyang tutulong kay Kaila.

 

 

Lahad ni Kaila, “Hindi lang dahil dual yung role but also because siyempre this is a period film so iba yung pananalita, iba yung kilos so thankfully we have somebody on set who will help me with that.

 

 

“Nag-yes po ako sa film kasi sobrang open po ako to new experiences. I really want to be able to challenge myself then this is something that’s really far from everything I’ve done so far.

 

 

“So it’s nerve-wracking pero I’m really, really, really excited so I’m really thankful that I was considered for this role.”

 

 

Para rin makapag-prepare si Kaila ay nanood siya ng mga pelikulang may ganitong tema, mga period films.

 

 

Kaya walang duda na kapag ipinalabas na sa Hulyo ang ‘Pilak’ ay aani muli ng paghanga at papuri si Kaila bilang aktres.

 

 

Ang “Pilak” ay produced ng Visionary Entertainment Productions nina Inah de Belen (na kapatid ni Kaila) at boyfriend na si Jake Vargas.

 

 

Yes, movie producers na sina Inah at Jake, pati na rin ang GMA actress na si Thea Tolentino na sumosyo sa “Pilak” kahit hindi mismong kasali sa Visionary. Kumbaga “guest” producer siya.

 

 

Producer rin ang mismong direktor ng pelikula na si Elaine “Alex” Crisostomo at Bea Glorioso at Uno Juan bilang executive producer.

 

 

Line produced naman ang pelikula ng Entablado Production USA at Ilaw Media kung saan artista rin ang ama ni Inah na si John Estrada.

 

 

First time ito na magkakasama sa isang pelikula o proyekto sina Kaila, John, Inah at Jake.

 

 

***

 

 

GUSTONG maging action star ni Xian Lim.

 

 

Tinanong kasi namin si Xian kung ano pang role ang gusto niyang subukan matapos gumanap bilang lalaking buntis sa ‘False Positive,’ bilang figure skater sa ‘Hearts On Ice’ at bilang isang lalaking paulit-ulit mamamatay at mabubuhay sa ‘Love. Die. Repeat.’

 

 

“Para sa akin po, hindi pa po ako nakakagawa ng action,” pakli ni Xian.

 

 

“I think iyon po, or I think something dark, na bida/kontrabida, something like that.

 

 

“In the future, hopefully, hopefully po.”

 

 

Si Xian ay gumaganap bilang si Bernard sa Love. Die. Repat.

 

 

Leading lady niya rito si Jennylyn Mercado bilang si Angela.

 

 

Mula ito sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng at Irene Villamor at napapanood weeknights, 8:50 pm sa GMA Prime.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Bagong China FM Qin Gang, darating sa bansa para sa isang official visit

    NAKATAKDANG dumating sa Pilipinas si Chinese State Councilor and Foreign Minister Qin Gang para sa isang official visit simula Abril 21 hanggang 23.     Ang biyahe ni Qin ay tugon sa imbitasyon ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.     Ang planong pagbisita ni Qin  ay dahil na rin sa “troublesome time” sa pagitan […]

  • Nagpapasalamat kay Sen. Chiz na palaging nakasuporta: HEART, umamin na grabeng pressure ang pinagdaanan para magka-baby

    SA isang exclusive interview ng Mega Magazine, inamin ni Heart Evangelista ang grabeng pressure na magka-baby sila ng esposo na si Sen. Chiz Escudero na kung saan walong taon na silang kasal at nagsasama sa February 15.     “I think it was a lot about being pressured to have a baby,” pag-amin ni Heart.   […]

  • Ikalawang batch ng MRT-7 trains kinabit sa rail tracks

    Kinabit at nilagay ng San Miguel Corp. (SMC) ang ikalawang batch ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) ang mga bagong trains sets sa rail tracks nito.       “Work continues non-stop on the MRT-7 project so we can meet our target start of operations by end of next year. I am glad to […]