Matapos nakumpirmang hiwalay na: BEA, balitang binalik na ang ‘engagement ring’ nila ni DOMINIC
- Published on February 8, 2024
- by @peoplesbalita

Inihayag ito ni Tito Boy sa kaniyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” noong nakaraang Martes.
“Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay, tungkol sa kanila, their marriage plans, etcetera. So, I was shocked,” ayon kay Tito Boy.
“As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at tsaka si Bea. They are trying to understand each other. But they are going through a rough patch.”
Isang source pa ni Tito Boy ang nagsabing sinauli umano ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic.
Gayunman, sinusuyo pa ni Dominic si Bea. Base sa kaniyang “good sources,” nagkakausap pa ang dalawa.
Una rito, naging matipid si Bea sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa plano nilang kasal ni Dominic nang matanong siya sa isang event kamakailan.
Naging engaged sina Bea at Dominic noong July sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City. Taong 2021 nang maging magkarelasyon ang dalawa, Nitong nagdaang holiday break, bumiyahe ang dalawa sa Sapporo, Japan at sinelyohan pa nila ang kanilang pagmamahalan sa Mount Moiwa.
***
HINARANA ni Rayver Cruz ang girlfriend na si Julie Anne San Jose via TikTok bago pa sumapit ang Valentine’s Day.
Last February 5, pinost ng bida ng Asawa Ng Asawa Ko on TikTok ang isang video call with Julie at tinugtugan niya ito ng song na “Pasilyo” ng SunKissed Lola.
Julie Anne commented, “…Antok na, pero gigising para sa’yo.”
Kinilig ang JulieVer fans sa ginawa ni Rayver at pinost ng isang fan: “Kapag mahal mo talaga ‘yung’ tao, kahit antok ay malalabanan”.
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
-
Mga empleyado ng NAIA kukunin ng Megawide sa kanilang take-over bid
Hindi mawawalan ng trabaho ang libong empleyado ng Ninoy Aquino International Airport kung magkaron ng take over ang isang private consortium na siyang maaring kunin ng pamahalaan para sa rehabilitation project nito. Sinabi ng Megawide Construction Corp. na kanilang kukunin ang mga empleyado ng NAIA kung kanilang makukuha ang kontrata para sa rehabilitation ng […]
-
Ads March 20, 2025
-
1 Corinthians 12:9
My grace is enough for you.