• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matataas na kalibre ng baril nasamsam… GUN-FOR-HIRE CRIMINAL GROUP, NALANSAG NG NPD

NALANSAG ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang grupo umano ng gun-for-hire criminal gang, kasunod ng pagkakaaresto sa lider at mga miyembro nito sa ikinasang operasyon sa Caloocan City.

 

 

 

Kinilala ni NPD Acting Director P/Gen. Josefino Ligan ang mga nadakip na sina alyas “Tomboy”, umano’y lider ng Alcandara Gun-for-Hire Criminal Gang, residente ng Brgy. 36, Caloocan City, alyas “Jharvis”, “Ranie” at “Renzo” na pawang taga-Tondo, Manila, at alyas “Roel” at “Jerry”, kapuwa ng Binangonan Rizal.

 

 

Nasamsam rin ang iba’t-ibang matataas na uri ng baril kabilang ang Bushmaster rifle na may 25 bala ng kalibre 5.56mm, Glock 17 Gen 4 na may 15 bala ng kalibre .9mm, Glock 19 pistol na may 13 bala ng kalibre .9mm, at Taurus PT 1911 pistol na may walong bala ng kalibre .45 sa magazine nang isagawa ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ang operation dakong alas-4:57 sa Brgy. 36 Marulas B, Caloocan na ginagawa umanong kuta ng grupo ng mga kriminal.

 

 

Sa kanyang ulat kay NCRPO Acting Director P/BGen, Anthony Aberin, sinabi ni Col. Ligan na naging daan ng kanilang pagkakalansag sa naturang grupo ang pagsisilbi ng mga tauhan n DSOU ng warrant of arrest na inilabas ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng Branch 129 laban kay alyas Tomboy na akusado sa kasong murder ng walang inirekomendang piyansa.

 

 

“This accomplishment not only brings a high-value target to justice but also dismantles a criminal group that has long endangered the safety of our communities. Let this serve as a warning to those who threaten the peace and security of our jurisdiction, we will find you and ensure justice is served,” ani Col. Ligan.

 

 

Patuloy pang isinasailalim sa imbestigasyon ang mga nadakip upang alamin ang possible nilang pagkakasangkot sa iba pang uri ng krimen habang isinumite na sa NPD Forensic Unit ang mga nakumpikang hindi lisensiyadong armas upang isailalim sa ballistic examination. (Richard Mesa)

Other News
  • Kauna- unahang mega quarantine facility sa NCR, bubuksan na sa publiko sa Nobyembre –Malakanyang

    NAKATAKDANG buksan at mag-operate sa darating na Nobyembre ang isang mega quarantine facility na matatagpuan sa Metro Manila.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ito ay ang Solaire / Pagcor mega quarantine facility na ilalaan para sa mga asymptomtatic at mild cases.   Tinatayang may 600 bed capacity ayon kay Sec. Roque ang pasilidad […]

  • LTO, pinalakas ang alyansa sa sektor ng edukasyon para sa kaligtasan sa kalsada

    PINALAKAS ng Land Transportation Office (LTO) ang pakikipag-ugnayan nito sa sektor ng edukasyon upang isulong ang adbokasiya para sa kaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng kampanyang “Stop Road Crash.”   Sa Davao Region, nakipagkasundo ang LTO-Region XI sa Legacy College of Compostela sa Davao de Oro upang sanayin at bigyang-kaalaman ang mga estudyante nito tungkol sa […]

  • Philippine polymer banknote series, inilabas na ng BSP

    IPINAGMAMALAKING ipakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series.       Ang FPP Banknote Series ay mayroong apat na denominasyon at nagtatampok ng “smarter, cleaner at stronger features.”     Kabilang sa mga tampok na bagong uri ng salapi ay P500, P100, at P50 na domination.     […]