Matatagalan pa bago makabalik ng ‘Pinas: Fulfilling kay AI-AI ang magtrabaho sa isang nursing home
- Published on July 13, 2023
- by @peoplesbalita
KASALUKUYAN nang napapanood ang award-winning Kapuso adventure series na ”Lolong” sa Indonesia, na may titulo roon bilang “Dakkila.”
Pinalabas na noong nakaraang Lunes ng gabi ang “Dakkila” sa Indonesian channel na ANTV.
Narito ang naka-post sa Facebook ng ANTV:
“TODAY!! Don’t miss watching the story of Dakkila starting Monday, July 10 at 09.30 pm only on #ANTVRame
“Make sure you have also installed Set Top Box on your TV and re-scan ya. Now re-scanning is easier! @rurumadrid8 @shairadiaz_ #DakkilaANTV #Lolong”
Ang “Dakkila” ay gaya rin ng pangalan ng buwaya o crocodile sa kuwento na si Dakila.
Ang naturang adventure series ay tungkol kay Lolong, karakter ni Ruru Madrid, na nakabuo ng pagkakaibigan sa buwayang si Dakila.
Kasama ni Ruru sa cast sina Christopher de Leon, Shaira Diaz, Paul Salas, Jean Garcia, Ian de Leon, Rochelle Pangilinan at Arra San Agustin.
***
HABANG wala pang bagong proyekto si Ai-Ai delas Alas sa Pilipinas, nagtatrabaho ito bilang activity director sa isang nursing home sa Amerika.
Trabaho ng Comedy Concert Queen ang asikasuhin ang daily activities ng mga seniors na naka-reside sa naturang nursing home.
“’Pag ‘yung everyday na buhay ko, pumapasok ako as activity director. Pero kapag Saturday and Sunday, may mga shows din ako, may mga upcoming shows ako and concerts so ganun ang buhay ko rito.
“Bilang activity director, ikaw ‘yung mag-iisip dun sa mga residente kung ano ‘yung gagawin nila na magiging masaya sila. Like magbi-bingo sila, tapos meron din mga computer,” sey ni Ai-Ai.
Fulfilling daw kay Ai-Ai ang magtrabaho sa isang nursing home dahil nakatutulong siya sa maraming senior citizens. Naaalala rin daw niya ang mga seniors na tinulungan niya rito sa Pilipinas.
Nabanggit din ni Ai-Ai na baka matagalan pa bago siya makauwi ng Pilipinas dahil kasalukuyang nagpapagaling din siya sa kanyang sakit na Myokymia, isang unilateral and uncontrollable twitch ng kanyang eyelids na sanhi ng stress. Kabilang daw sa stress na iyon ay ang pagbiyahe niya.
“Pasensiya na, alam n’yo naman ang nangyari sa akin. Hindi na ako nakauwi dahil hindi na kaya ng katawan ko ang sobrang pabalik-balik. Di na kinaya ng katawan ko kasi parang nabugbog na ako sa jetlag at masyadong biyahe.
“Kasi ‘yung last na biyahe ko, parang medyo hindi maganda ang nangyari. Parang 30 hours akong nagbiyahe,” paliwanag ni Ai-Ai na mapapanood sa pelikulang ‘Litrato’.
***
SA edad na 56, maalindog pa rin ang Hollywood actress na si Salma Hayek. Kaya noong National Bikini Day last July 5, wala itong kiyeme na mag-post ng kanyang bikini photos sa social media.
Tunay na may asim pa rin ang Mexican-American star sa suot niyang colorful bikini with matching loopy earrings habang naka-pose siya sa swimming pool. Hindi nga magpapakabog si Salma sa mga mas bata sa kanya lalo na pagdating sa pagpapa-sexy sa social media.
“Happy #NationalBikiniDay! Can you believe the bikini has only been around for 77 years?! Let’s hope they don’t ban them too #notathrowback,” caption ni Salma.
Pinusuan ng maraming netizens ang post ni Salma dahil wala raw pagbabago sa seksing katawan nito na una niyang pinakita sa pelikulang ‘From Dusk Till Dawn’ noong 1996.
Huling nagpakita ng kanyang alindog sa pelikula si Salma ay sa pelikulang ‘Magic Mike’s Last Dance’ kunsaan nakasama niya ang isa sa tinawag na Sexiest Man Alive na si Channing Tatum.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Cashless transactions na ang EDSA busway system
IPINATUPAD ng pamahalaan ang cashless transactions sa pamamagitan ng pag-gamit ng beep cards sa mga buses na dumadaan sa EDSA busway system simula ngayon linggo. Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na “no beef card, no ride” policy ang ipatutupad. Ayon kay assistant secretary Steve Pastor na ang nasabing aksyon ay upang magsilbing karagdagang […]
-
Ads May 31, 2022
-
Paglagda ng PH sa Free Trade Agreement sa Australia, New Zealand malaking gain sa agriculture at technology trade – solon
NANINIWALA si House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon 1st District Representative Mark Enverga na malaki ang magiging “gain” sa agriculture and technology trade ang paglagda ng Pilipinas sa Free Trade Agreement sa Australia at New Zealand. Ayon kay Rep. Enverga magiging maganda ang prospective para sa sektor ng agrikultura sa […]