• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matindi ang pinagdaanan bilang Father Rhoel: McCOY, naiyak dahil kailangang ihian at duraan sa mukha

TWENTY five years na pala ang nakalipas nang maging laman ng balita noong March 20, 2000, ang pagbihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa paring si Father Rhoel Gallardo ng Claret School of Tumahubong, kasama ang ilang estudyante at mga guro mula sa iba’t-ibang paaralan sa mga bayan ng Sumisip at Tuburan, Basilan.
Matinding paghihirap ang pinaranas sa kanila ng mga terorista.
Sa taong ito ipakikita ng pelikulang “In Thy Name” kung ano ang naganap sa kabundukan kung saan sila dinala. Ito ay mula sa direksyon ni Ceasar Soriano, kasama si Rommel Galapia Ruiz. Si Mccoy De Leon ang gaganap bilang si Father Rhoel.
Sa loob ng 44 na araw hanggang maganap ang madugong labanan sa pagitan ng militar at ng mga terorista, nagpamalas si Father Rhoel ng matinding pananampalataya sa Diyos para magbigay pag-asa sa kanyang mga kasamahan, partikular na sa batang si Reylios.
Si Father Rhoel ay ipinanganak noong November 29, 1965 at naordina bilang pari noong 1994. Kahit likas na tahimik, nagpupursigi siyang maging kapalagayang loob ang mga tao. Talagang inilaan niya ang kanyang buhay para maglingkod, kaya naman siya mismo ang nagpalagay sa parokya sa Basilan kahit ito’y delikado. Nangako siyang hindi iiwan ang komunidad ano man ang mangyari.
Nagkuwento naman si McCoy na matinding pinagdaanan sa pagganap bilang Father Roel.

Nabanggit ni direk Cesar Soriano są mediacon ang torture scene na dapat iihian si McCoy ng mga Abu Sayyaf. Para hindi siya maihian ng iba, kaya siya na lang ang umihi sa kanyang sarili. 

Pero ang mas matindi sa ginawa sa kanya ay ‘yung duraan siya ni Mon ng sarili nitong plema.

“‘Yun talaga ang tumatak sa akin, ang eksena namin ni Kuya Mon na dinuruan niya ako,” pag-amin niya.

“Pagka-dura sa akin, ang nasa isip ko, grabe ‘yun trabaho ko. After ng scene na ‘yun, actually hindi ako pinaiiyak ni direk Rommel, pero dumapa na lang ako at naiyak talaga ako ng totoo, at ang iyak ko as McCoy ‘yun, hindi iyak ni Fr. Rhoel, dahil hindi ko naman alam kung paano siya umiyak. 

“Pero ang iyak na ‘yun parang totoo na ako na ‘yun, na sabi ko, bakit ko ginagawa ito at aabot sa duduraan ako sa mukha.  Pero ang sarap sa feeling na na-sacrifice ko ang ganu’ng bagay pero ang resulta nagampanan ko ng maayos ang trabaho ko,” 

Si JC De Vera ay si Khadaffy Janjalani, kapatid ni Abdurajak Abubakar Janjalani na siyang bumuo ng Abu Sayyaf noong 1991.
Si Mon Confiado ay si Abu Sabaya, ang spokesperson ng mga Abu Sayyaf na kilala sa kanyang kalupitan sa mga bihag. Sinasabing nagka-interes si Abu Sabaya sa isang guro na kanilang bihag.
Si Jerome Ponce ay si Second Lieutenant Herbert Dilag, 23 anyos, at isang Igorot mula sa Kalinga.
Si Yves Flores ay si First Lt. Andrew Bacala, ang 24 taong gulang na commanding officer ng ika-24 Special Forces Company.
Si Soliman Cruz ay si Principal Rey Rubio ng Claret School of Tumahubong. Siya ay malapit na kaibigan at katiwala ni Father Rhoel.
Si Aya Fernandez ay si Teacher Theresa. Ang pag-aaruga niya sa kanyang mga estudyante ay hindi lamang sa loob ng paaralan.
Si Kenken Nuyad ay si Reylios, ang batang sidekick ni Father Rhoel.
Si Cassy Lavarias ay si Emylin, isa ring batang bihag na naging ka-eskwela ni Reylios.
Si Alex Medina ay si Teacher Rosebert na nagsisilbing “comic relief” sa kanilang masalimuot na buhay.
Si Elora Españo ay si Teacher Lydda, asawa ni Rosebert. Pareho silang nagtuturo sa Sinangcapan Elementary School.
Si Kat Galang ay si Teacher Anabelle, ang malumanay na best friend ni Teacher Theresa, pero nang kunin ni Abu Sabaya si Theresa, lumabas ang tapang niya.
Kasama rin sa pelikulang ito sina Ynez Veneracion bilang si Teacher Gemma, Martin Escudero bilang si Isnilon, JM Soriano bilang si Abu Jandal, Ana Abad Santos biang si Raquel Gallardo, ang ina ni Father Rhoel, Richard Quan bilang si Dominador Gallardo, ama ni Father Rhoel, Gold Aceron bilang si Dong Gallardo, kapatid ni Father Rhoel, Aaron Villaflor bilang si Captain Sabban, Pen Medina bilang MNLF Commander Talib Congo, at John Estrada biang si BGen. Narciso Abaya.
Mababasa sa iba’t ibang sanaysay ang taimtim na pagdarasal ni Father Rhoel sa buong panahon ng pagkakabihag. Hinikayat niya ang lahat na ‘wag mawalan ng pag-asa. Ito ay makikita sa 90-second teaser na pinalabas nito lamang nakaraang Linggo. Itinaas ni Father Rhoel ang lahat ng kanilang paghihirap sa awa ng Diyos.
Ngayong Jubilee Year of Hope, ‘wag palampasin ang “In Thy Name” sa mga sinehan simula ngayong Ash Wednesday, March 5, 2025. Handog ng GreatCzar Media Productions at Viva Films.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Pinas, malapit na sa target na bakunahan ang 50% ng populasyon- PDu30

    “On track” ang Pilipinas na makamit ang target nito na bakunahan ang 50% ng general population bago matapos ang taon.   Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Miyerkules ng umaga ang tagumpay ng pamahalaan na makamit ang nilalayon nito na makapagturok ng 55 milyong doses ng coronavirus disease 2019 […]

  • Bakit OD?

    MAY mga kasamahan akong sportswriter na nag-iisip kung paano ko naisip ang pamagat ng aking kolum na lumalabas araw-araw dito sa pahayagang inyong pinagkakatiwalaan – People’s BALITA.   Sabi kasi ng ilan sa kanila dati, na sigurado silang basketbol ang tiyak na magiging paksa ko sa mula Lunes hanggang Sabado.   Pero sabi ko general […]

  • Publiko binalaan kontra Powerstar malware

    NAKAGAWIAN na ang device linking para sa mga gustong mapadali at mapabilis ang kanilang araw-araw na digital activities.     Gayunman, lumabas ang banta ng Powerstar Backdoor Malware na ine-exploit ang teknolohiyang ito. Mga PC (personal computer) operating system ang target ng malware na ito at ini-infect ang linked mobile phones at tables para ma-phish […]