• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matindi ang pinagdaanan nang madagdagan ang timbang: ALFRED, umamin na bumaba talaga ang self-esteem at nag-iba ang buhay

BILANG isang mahusay na aktres, meron pa bang role o papel na nais gampanan si Glydel Mercado na hindi pa niya nagagawa sa buong showbiz career niya?

 

 

“Actually yes, siguro yung pagkakaroon ng Schizophrenia!

 

 

“Gusto ko yung magagawa ko yung iba’t-ibang kinds of roles, na magagawa mo kasi puwede mong i-detach yung totoo mong sarili sa character na ginagawa mo.”

 

 

Sa rami na ng nagawa ni Glydel na papel sa pelikula at telebisyon ay mayroon pa pala siyang hindi nagagawa, hindi pala lahat ng papel ay naibigay na sa kanya.

 

 

“Hindi pa, yung mga nakakakita ka ng kung anu-ano tapos nagsasalita ka ng mag-isa, iyon ang gusto ko.”

 

 

Nagbigay si Glydel ng halimbawa ng mga karakter at pelikulang nais niyang gawin kung mabibigyan ng pagkakataon.

 

 

“Yung Split, yung twenty-three ang personalities niya, sikat na pelikula yun.”

 

 

Ang Split ay pelikula noong 2016 ng direktor na si M. Night Shyamalan na pinagbidahan ni James McAvoy na gumanap bilang isang lalaking may dissociative identity disorder at nagtataglay ng twenty-three personalities.

 

 

Ayon pa kay Glydel…

 

 

“Yung twenty-three personalities, totoong nangyayari sa tao yan, merong twenty-three personalities, minsan may fifty personalities, totoo yan.

 

 

“Pag nag-research ka, hindi lang multiple personalities, as in maraming personalities.”

 

 

Kasali si Glydel sa pelikulang “Unspoken Letters” na kuwento ng buhay ni  Felipa (Jhassy Busran), na pinakabunso sa kanilang pamilya na may medical condition na tinatawag na Autism Spectrum Disorder (ASD).

 

 

Ang pelikula ay sa produksyon ng Utmost Creatives Motion Pictures, sa panulat at direksyon ni Gat Alaman at mga co-directors niya ang Italian director na si Paolo Bertola at ang seasoned assistant director na si Andy Andico.

 

 

 

Kasama rin sa cast ng “Unspoken Letters” ang mister ni Glydel na si Tonton Gutierrez, Matet de Leon, Gladys Reyes, Simon Ibarra, Daria Ramirez, Orlando Sol, Deborah Sun, John Heindrick at introducing sa pelikula sina MJ Manuel at Kristine Samson

 

 

 

***

 

 

 

MATINDI pala ang pinagdaanan ni Alfred Vargas nang madagdagan ang timbang at lumihis sa dating nakasanayan ng publiko na itsura niya; ang pagkakaroon ng matipunong katawan.

 

 

Isa si Alfred sa mga matatawag na hunk actor noong aktibung-aktibo pa siya sa paggawa ng pelikula na pinantasya at kinabaliwan ng marami.

 

 

At sa Youtube channel ni Alfred (na konsehal ng Distrito 5 ng Quezon City) ang “Vargas Tries, pwede!” ay inamin nitong bumaba ang kanyang self-esteem at na-depress dahil tumimbang siya ng 251 lbs.

 

Pagbabahagi ni Alfred sa unang episode ng kanyang Youtube channel…

 

 

“May aaminin ako sa inyo… there was a time bumaba talaga ang self-esteem ko, nag-iba ang buhay ko.

 

 

“I was so depressed.

 

 

“Hindi ko nahalata isang umaga pagharap ko sa salamin kahit ‘yung sarili ko hindi ko nakilala ‘yung taong nasa salamin.

 

 

“And doon na parang gumuho ang mundo ko and doon… parang iyon ang pinaka-wake-up call ko. Dahil nga unti-unti ay umabot na pala ako sa 251 lbs!”

 

 

Sinabi pa ni Alfred na nag-iba ang buhay niya sa paglaki ng katawan niya. Umabot siya sa punto na ang pakiramdam niya ay matandang-matanda na siya.

 

 

“Dati kapag nasa mall ako yung mga tao tatawagin ako at lalapit pa sa akin, ‘Papa Alfred!’

 

 

“Tapos lately medyo lumaki na ako, yung iba hindi na ako nakikilala tapos yung iba naman nakikilala pa ako pero ang tawag sa akin, “Tito Alfred” na.

 

 

“So what’s funny about this is hindi ko nahalata. Hanggang iyon na nga, isang umaga pagharap ko sa salamin kahit sarili ko hindi ko na nakilala kung sino yung taong nasa salamin. “And doon parang gumuho ang mundo ko and iyon ang pinaka-wake-up call ko.

 

 

“Sabi ko dapat magbago ako and this time around nag-decide ako na I will not do this for vanity, I will not do this for projects, I will do this for my children.

 

 

“Para maipakita ko sa aking mga anak kung gaano ko sila kamahal by trying to live the longest that I can.

 

 

“From 251 lbs. now I am 201 lbs.,” pagbabahagi ni Alfred tungkol sa halos tatlong taon na niyang struggle sa kanyang buhay.

 

 

Sinimulan ni Alfred ang pag-eehersisyo at ipinakita niya sa kanyang Youtube channel ang ilang ehersisyong nakatulong sa pagbaba ng kanyang timbang.

 

 

Ito ang Parkour na sa tulong ni Ms. Kate Robles, isang single mom na may katulad ding problema ni Alfred at coach Raven Cruz ay itinuro nila ang paraang ito.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • COVID-19 cases sa Pinas posibleng bumaba pa sa 2,000 daily– OCTA

    Tinatayang bababa pa sa 2,000 ang bilang ng COVID-19 cases kada araw sa Pilipinas sa katapusan ng buwan ng Nobyembre.     Ayon kay OCTA Research group fellow Dr. Guido David, ito ay kung magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 infections sa buong bansa.     Umaasa si Dr. David na kung […]

  • Ads March 3, 2020

  • Mga magsasaka sa Bulacan, tumanggap ng tulong mula sa UAE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Upang matulungang makabangon ang mga nasa agrikutural na komunidad matapos ang hagupit ng nagdaang Tropical Storm Kristine at iba pang hamong pang ekonomiya, namahagi ng may kabuuang 3,000 kahon ng essential goods sa mga Bulakenyong magsasaka sa lalawigan ang United Arab Emirates sa pangunguna ng Emirates Red Crescent noong Sabado, Nobyembre […]