Matobato, walang pasaporte para pumuga palabas ng Pinas- DFA
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang record ng pasaporte at biometric records ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato kahit pa isiniwalat sa New York Times article na nakapuga ito palabas ng bansa.
“The Department of Foreign Affairs (DFA) has found no passport and biometrics records under the name ‘Edgar Matobato’,” ayon sa DFA.
“Any application under a new or assumed identity will be flagged by the system, and a Philippine passport will not be issued, if there is already an existing record and biometrics in the database,” dagdag na pahayag ng departamento.
Tiniyak ng DFA na nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa bagay na ito at “refer the matter to law enforcement agencies and relevant authorities for further investigation” kung sinasabi ng ebidensiya na kailangan pa ang isang karagdagang pagsisiyasat.
“Fraudulent application for passport is a serious offense punishable under the Passport Law,” diing pahayag ng DFA.
Samantala, noong nakaraang linggo, idinetalye ng New York Times sa artikulo nito ang pagtakas ni Matobato mula sa Pilipinas. Sinasabing umalis ng Pilipinas si Matobato kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.
Si Matobato ay ‘pitong taon nang nagtatago simula noong 2017 kung saan ay may kinahaharap na kasong kidnapping case noong 2002.
Inuugnay din ito sa umano’y dating miyembro ng death squad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City. (Daris Jose)
-
Pinaratangan ng netizens dahil maganda ang hugis ng ilong: RYZA, naaaliw at natatawa na lang sa tsikang nagparetoke
BEST birthday raw para kay Heart Evangelista ang kanyang kaarawan ngayong taong ito. Ika-38th birthday ni Heart today, Valentine’s Day at ang ang hindi inaasahang pa-birthday surprise raw sa kanya ng kanyang Mister na si Senator Chiz Escudero ang mukhang nagpa-kilig kay Heart. Obviously, isa sa espesyal at memorable teleserye ni Heart […]
-
Pinas, US, hindi pinag-usapan ang mga bagong EDCA sites- Romualdez
ITINIGIL ng Pilipinas at Estados Unidos ang pag-uusap hinggil sa pag-identify ng mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites. Pinag-uusapan ngayon ng dalawang bansa kung paano gagamitin ang 9 na umiiral na sites sa bansa. Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez na nagsimulang pagtuunan ng […]
-
Buo ang saya ng Pasko ng mga Ka-Tropie: Kauna-unahang PIE Channel Christmas SID, mapapanood na
DAHIL damang-dama na ang simoy ng Pasko, lalong papasayahin ng PIE Channel ang bawat Ka-TroPie. Ngayong Christmas season, bubuuin ng PIE ang saya ng bawat barkada, magkaka-opisina, at pamilya bilang pasasalamat nito sa kanilang mga manonood. Sinimulan ang #PIEmaskongSaya sa pag-launch ng kauna-unahang PIE Channel Christmas Station ID. Ang musika na ginamit ay komposisyon ni […]